Preskong lalaki na nag-aya ng date, nasupalpal ng babae ng maaanghang na salita

Preskong lalaki na nag-aya ng date, nasupalpal ng babae ng maaanghang na salita

- Viral ang post ng isang lady gamer tungkol sa isang lalaking nag-aya sa kanyang makipagdate

- Mapapansing hindi maganda ang pag-aaya ng lalaki na tila pagyayabang na agad ang ipinakita sa babae

- Ang masaklap, ipinamukha pa nito na may kotse siya at sagot niya lahat kung pumayag lamang ang babae

- Dahil sa hindi nagustuhan ng babae ang pananalita ng 'preskong' lalaki, agad na niya itong tinanggihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Preskong lalaki na nag-aya ng date, nasupalpal ng babae ng maaanghang na salita

Photo (from PxFuel)
Source: UGC

Diretsahang sinupalpal ng online gamer na si Rhea Retiza ang isang lalaking nagparamdam sa kanya at nais na makipag-date.

Nalaman ng KAMI na mabilis na nag-viral ang post ni Rhea na nagpapakita ng mga mensahe sa kanya ng lalaking may pangalan na "Jack."

"Ayoko maging scandalous tonight but I couldn’t be more proper after reading this haha lol, sobrang prone ko naman sa mga kinulang sa yamang mga mayayabang na pangit," ang bungad ni Rhea sa caption ng kanyang viral post.

Pinakita rin niya ang mismong screenshot ng naging usapan nila ni "Jack."

Sa umpisa pa lang ng mensahe ng lalaki, kapansin-pansin na ang tila pagmamalaki nito sa kanyang estado sa buhay.

Dahil ito, agad na tumanggi si Rhea sa alok ni Jack na date.

Mas lalo pang nairita ang babae nang sabihan pa siya nito ng "sino ka ba?"

At nang sumagot muli si Rhea mas matitinding patutsada pa ang binitawan ng lalaki.

Ipinamukha pa nitong may kotse siya at sagot niya ang lahat ng gagastusin mapapayag lang ang babae.

"I don't want to go out with you, tapos ang usapan, itulog mo na yang yabang mo dahil wala akong pakialam sa vios mong manual, goodnight," ang pinakahuling sagot ni Rhea.

Aminado ang babae na tila 'prone' na siya sa mga ganoong klaseng lalaki. Panahon na raw upang maisa-publiko niya ang saloobing ukol dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahanga-hanga ang katapangang pinakikita ng mga babaeng tulad ni Rhea na kayang ipagtanggol ang sarili sa sinoman ang nagtatangkang insultuhin ang kanyang pagkatao.

Tulad na lamang ni Miss Asia Pacific International 2018 na si Sharifa Akeel na nagawa ring ipagtanggol ang sarili sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Subalit, may ilang mga kababaihan pa rin na tila nagiging biktima pa rin ng pang-aapi ng kanilang mga karelasyon o asawa. Maswerte na lamang sila kung mayroon silang pamilyang matatakbuhan at handa silang yakapin at tanggapin kahit na ano pa man ang nagawa nilang kamalian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel