Mister na pinag-aral ni misis sa Australia, sapul sa CCTV ang pagtataksil

Mister na pinag-aral ni misis sa Australia, sapul sa CCTV ang pagtataksil

- Humagulgol sa pag-iyak ang misis na si Christlyn Jambaro matapos humingi ng tulong upang mapa-deport ang kanyang mister at kabit nito

- Si Christlyn ang tumulong kay John Carl Jambaro upang makarating sa Australia para ito ay makapag-aral at magkaroon ng working visa

- Ipinasok ng kanyang tiyahin si John sa restaurant nito sa Australia pero dito lang pala ito gagawa ng kalokohan

- Sapul sa CCTV ang pagtataksil ni John dahil kitang-kita na hinahalikan niya ang kanyang kabit na nagta-trabaho rin sa restaurant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang misis na may dalawang anak ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang mister na si John Carl Jambaro.

Nalaman ng KAMI na ayon sa misis na si Christlyn Jambaro, tinulungan ng kanyang pamilya ang kanyang mister upang makarating sa Australia.

Pero hindi nila akalain na ito pala ang magiging ugat ng pagtataksil ni mister sa kanya.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kuwento ni misis, ipinasok ng kanyang tiyahin si John Carl sa restaurant niya sa Australia. Laking gulat nila nang makita sa CCTV ang matibay na ebidensya ng pagtataksil nito sa kanya.

Makikita sa video na kahalikan ni mister ang kanyang kabit at talaga namang sweet ito sa isa't-isa.

Sabi ni Christlyn, tinatawagan niya ang kanyang asawa pero ayaw na siyang sagutin nito. Sa huling text ni John sa kanya, sinabi pa raw nito na "pabayaan na siya."

Nabalitaan pa ni misis na kasalukuyan ng magka-live in ang kanyang mister at ang kabit nito.

Mensahe ni misis sa kanyang mister, "Wala siyang awa. Mas pinili pa niya yung kabit niya."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang balita, isang hindi pangkaraniwang kuwento ang nag-viral na tungkol kina mister at misis na nakatira sa iisang bahay kasama si kabit. Maraming netizens ang nagulantang at nanggigil sa kakaiba nilang kuwento. Ang mas lalo pang nakakagulat ay si kabit ang merong reklamo at humihingi ng saklolo kay Idol Raffy. Kasalukuyang tatlong buwan na buntis si kabit na gusto ng umalis sa puder ng kanyang kinakasama at sa misis nito.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel