‘Sana all tsismosa’: Babae, nag-viral nang bulabugin ang mga tsismosa habang naka-mic

‘Sana all tsismosa’: Babae, nag-viral nang bulabugin ang mga tsismosa habang naka-mic

- Tampok sa social media ngayon ang isang babae na may kakaibang ginawa sa mga tsismosa

- Dala-dala ang speaker at mic, nag-ikot ang babae para bulabugin ang mga gumagawa ng tsismis tungkol sa kanya

- Aniya, gumamit na siya ng mikropono para mas marinig pa siya ng mga tsismosa niyang kapitbahay

- Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens sa viral video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang babae dahil sa kanyang kakaibang paraan para sagutin ang mga tsismosa.

Nalaman ng KAMI na gamit ang mic at speaker, personal niyang pinuntahan ang mga taong gumagawa ng tsismis tungkol sa kanya.

Ayon sa video na kumalat sa Twitter, bitbit pa ng babae ang speaker habang nagsasalita siya sa mikropono at pinupuntahan ang mga tsismosa.

“Mga kapitbahay, gising na ba kayo? Sana all tsismosa,” aniya.

“Ano? May tsismis pa ba kayo? Sige, itsismis niyo pa ako, ‘di ba tsismosa kayo?” dagdag niya pa.

Tinanong pa ng babae ang mga tsismosa kung naririnig na ba siya at ang mga sinasabi niya dahil sa gamit niyang mic.

“May kwento ka pa ba? May kwento ka pa bukod sa’kin?” tanong niya.

Agad nag-viral sa social media ang video ng babae. Tawang-tawa ang mga netizens sa ginawa niya. Narito ang mga komento nila sa Twitter:

“Pwede naman siyang alarm clock.”
“HAHHAHAHAHAHAHA KATAPANG NAMAN ATA”
“GAWIN KO KAYA 'YAN DITO SA AMIN HAHSHSHAHAHSHAHHDHAHA”
“she a whole mood hahahaha”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang bata ang nagsabing “bansang madaming tsismosa” ang Pilipinas. Natawa rin ang mga netizens sa sinabi ng batang ito.

Samantala, isang tsismosa naman ang nasumbong sa programa ni Raffy Tulfo. Nag-Facebook live pa raw ang tsismosa para ikalat ang paninira nito sa kapitbahay.

Isang pulis naman ang nagsabing maaaring kunin ng mga ito ang tulong ng mga tsismoso o tsismosa para mas mapadali ang contact tracing ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel