Pokwang at boyfriend ni Baninay Bautista, nagkasagutan sa Twitter

Pokwang at boyfriend ni Baninay Bautista, nagkasagutan sa Twitter

- Nagkasagutan sa Twitter si Pokwang at ang kasintahan ng vlogger na si Baninay Bautista

- Ito ay matapos umalma ang TV host/comedienne sa vlog ni Baninay tungkol sa pagkakaroon niyo ng COVID

- Nagdala raw ng takot si Baninay sa pamilya niya dahil naging guest pa nila ito sa sa kanyang show

- Paliwanag ng nobyo ni Baninay, hindi agad sila nakapag upload ng vlog dahil sa kanilang pinagdaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkasagutan ang TV host/comedienne na si Pokwang at ang kasintahan ni Baninay Bautista na si Bont Bryan Oropel sa Twitter.

Ito ay matapos maglabas ng saloobin si Pokwang hinggil sa takot na dinala ng vlog ni Baninay sa kanyang pamilya.

Ayon kay Pokwang, July 21 pa nagpositibo si Baninay at negative na ang resulta ng kanyang test noong August 2. Aniya, nagdala raw ng takot si Baninay sa pamilya niya dahil naging guest pa nila ito sa sa kanyang show.

Sunud-sunod naman ang naging sagot ni Bont Bryan upang ipagtanggol si Baninay.

Pokwang at boyfriend ni Baninay Bautista, nagkasagutan sa Twitter

Photo: Wikimedia Commons
Source: UGC

Paliwanag niya, ipinaalam naman nila ni Baninay sa production ang tungkol sa paggaling ni Baninay mula sa COVID at nagnegatibo din umano ito sa ginawang Rapid Test bago siya isalang sa programa.

Aniya, bukod sa nagpositibo ang buong pamilya nila, ipinagluksa nila ang pagpanaw ng kanyang ama kaya hindi nila magawang mag-upload ng vlog noong mga panahong iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Pokwang, napag-alaman lamang niya ang tungkol sa paggaling niya matapos tanungin ng staff si Baninay. Naiyak daw ang komedyante dahil sa takot para sa anak niya at sa kanyang 2 taong gulang na anak.

"Nalaman ko ngayong umaga lang kung di pa sya tinanong ng mga staff dahil may mga nakapanood na ng vlog nya! kaya sa takot ko umiyak ako at nag panic nauunawaan mo ba na may 2yrs old akong anak at 80 edad na nanay!??? Hindi nyo alam pakiramdam ng isang ina!"

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian noong buwan ng Enero noong 2015.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twiiter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Briani sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Kamakailan ay nagtrending ang guesting niya sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga.

Kasalukuyang bahagi siya ng isang talk show ng TV-5 matapos tuluyang mabasura ang pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel