Security guard, mas pinili ang karelasyong beki kaysa sa babaeng kanyang naanakan

Security guard, mas pinili ang karelasyong beki kaysa sa babaeng kanyang naanakan

- Inireklamo ng isang babae ang kanyang nakarelasyong security guard dahil sa pang-iiwan umano nito sa kanya

- Hindi rin daw ito nagsusustento sa kanilang naging anak kaya mas lalong umigting ang galit niya rito

- Nang pinapili pa ang lalaki, mas pinili pa nito ang nakarelasyong beki kaysa sa ina ng kanyang anak

- Nakipag-ayos na lamang ang sekyu na magbibigay ng sustento sa anak at ipinauubaya na rin ng babae ang kanyang dating nobyo sa beki na mas pinili nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Security guard, mas pinili ang karelasyong beki kaysa sa babaeng kanyang naanakan

Sina Reynalyn Santillan at Nikko Tapiru (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang babaeng si Jollyna Garcia upang ireklamo ang kanyang nakarelasyong si Nikko Tapiru na isang security guard.

Nalaman ng KAMI na masama ang loob ni Jollyna hindi pagsusustento ni Nikko sa kanilang anak nang iwan sila nito.

Ang itinuturong dahilan ay ang miyembro ng LGBT community na si Reynalyn Santillan na di umano'y bagong karelasyon ng sekyu.

Ngunit nang kapanayamin din ng programa si Reynalyn, nilinaw niyang siya ang naunang naging katipan ni Nikko at lumalabas na si Jollyna ang nang-agaw.

Ayon naman kay Jollyna, noong nalaman niyang may karelasyong beki si Nikko, nakikipaghiwalay na raw siya sa lalaki ngunit ito raw ang mapilit.

Nasabi pa raw nito na babae ang hanap niya at hindi ang bakla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit nang tanungin mismo ni Tulfo ang sekyu kung sino ang kanyang pipiliin, tahasan nitong sinabi na mas may puwang sa puso niya si Reynalyn.

Ayon pa sa host, mabuti nang nagkakalinawan sila at mahirap naman iyon sa kalagayan ni Reynalyn na sumusuporta kay Nikko.

Agad na sumabat ang beki at sinabing hindi niya sinusustentuhan ang sekyu. "Pure love" lang daw ang ibinibigay niya rito.

Humantong pa sa patutsadahan sina Jollyna at Reynalyn ngunit kalaunan ay nagpaubaya na rin ang babae gayung mas pinili naman talaga ni Nikko ang beki.

Nagkasundo na lamang sina Jollyna at Nikko na sustentuhan ang kanilang anak at hiniling ng babae na hanggang sana sa makatapos ito ng pag-aaral.

Narito ang kabuuan ng video:

Kilala si Raffy Tulfo hindi lamang sa pagiging isang batikang broadcast journalist kundi sa agarang pag-aksyon niya sa sumbong ng mga mamamayan.

Lalo na ng mga ordinaryong tao na naapi at walang mapuntahan upang maayos ang kanilang kalagayan, kay Tulfo sila pumupunta upang mas mapabilis daw ang solusyon sa kanilang suliranin.

Maging ang mga gusot ng kilalang tao o artista ay idinudulog na rin sa programang Raffy Tulfo in Action dahil sa maayos at patas nitong serbisyo sa publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel