Lalaking walang ginagawa sa loob ng 2 oras, umabot sa higit 3 million ang views

Lalaking walang ginagawa sa loob ng 2 oras, umabot sa higit 3 million ang views

- Nag-trending sa social media ang isang lalaki dahil sa kanyang kakaibang vlog

- Sa kanyang video, makikita ngang sa loob ng higit dalawang oras ay wala siyang ibang ginagawa

- Ngayon, umabot na sa higit tatlong milyon ang views ng vlog niyang ito

- Samantala, nagkomento rin ang mga netizens sa kakaibang trip ng lalaking ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaking taga-Indonesia ang naging viral sa social media dahil sa kakaibang vlog niya.

Nalaman ng KAMI na sa loob ng higit dalawang oras ay walang ginagawa ang lalaki sa vlog niya.

Lalaking walang ginagawa sa loob ng 2 oras, umabot sa higit 3 million ang views

Photo from @didit_dee17 on Instagram
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Inquirer, in-upload ni Muhammad Didit ang video sa kanyang YouTube channel noong ika-10 ng Hulyo.

Ngayon naman, mahigit isang buwan, umabot na sa lampas 3 million ang views ng vlog niya.

Tumagal ng 2 hours, 20 minutes at 52 seconds ang vlog niya. Wala siyang ginagawa rito at nakatingin lang siya sa camera.

Ang unang plano ng lalaki ay hanggang 10 minutes lang sana, pero nagtuloy-tuloy na ito. Bago siya nagsimula mag-vlog ay naghanda na siya, kumain na siya at nagbanyo.

Aniya, kabado raw siya na baka bigla siyang tawagin ng mga magulang niya habang nagvi-video kaysa sa maihi siya.

“If I don’t answer them, I’ll get into trouble,” aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito naman ang komento ng mga netizens sa kanyang video sa YouTube:

“Watched him, fell asleep, woke up and he's still there.”
“My favorite part is when he is sitting and watching into the camera.”
“This is mindblowing. Needs a hella lot of concentration to do this. I cant even focus doing anything for 5 minutes.”
“He is so still, its like i’m staring at a picture.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ngayon, uso na nga ang paggawa ng iba’t-ibang vlogs lalo na’t may community quarantine pa. Kahit ang mga sikat na artista at politicians ay may mga vlogs na rin.

Sa naunang ulat ng KAMI, nag-viral ang vlog ng aktor na si Jason Francisco matapos niyang subukang mangalakal ng basura para kumita ng pera.

Samantala, sinagot naman ng aktres na si Neri Naig-Miranda ang nagsabing “boring” daw ang vlog na ginagawa niya ngayon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel