Tindero, nagmakaawa matapos hamunin ang pulis sa paglabag niya sa quarantine protocols
- Isang lalaki sa Malolos ang sumuway sa modified enhanced community quarantine
- Lumabas ang lalaki ng bahay kahit wala siyang quarantine pass kaya nahuli na siya noon
- Ngayon naman, muli siyang hinuli dahil bukod sa pagsuway ay hinamon niya pa ang mga pulis
- Nagmamakaawa naman ang tindero ngayon at humihingi ng pasensya sa mga pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang lalaki ang lumabag sa quarantine protocols at naghamon pa sa mga pulis sa kanyang social media post.
Nalaman naman ng KAMI na agad hinuli at inaresto ng pulis ang lalaking ito.
Sa ulat ng GMA News, nahuli na noon ang lalaki sa Malolos, Bulacan dahil lumabas ito ng bahay niya kahit wala siyang quarantine pass noong modified enhanced community quarantine.
Ngayon naman, muli siyang hinuli ng mga pulis dahil lumabas na naman siya ng bahay at naghamon pa nga ito sa social media.
“Hulihin niyo ulit ako, nasa labas ako, nagtitindia ako ng bbq. Saan na kayo?” sabi nito sa kanyang post.
Kaya naman matapost magpost ng lalaki ay agad itong pinuntahan ng pulis at inaresto.
Dahil sa pangyayaring ito, nagsisisi na raw ang lalaki sa kanyang ginawa, lalo na ang paglabag sa quarantine. Paliwanag niya, lumabas lang naman daw siya upang kumita ng pera dahil hindi raw siya nakakakuha ng ayuda mula sa gobyerno.
“Pasensya na po talaga. Wala talaga akong intensyon. Super sisi po, sir,” aniya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa tindi ng kahirapan na dulot ng COVID-19 sa bansa, kanya-kanyang paraan na nga ang mga Pinoy upang kumita ng pera.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lalaki na nawalan ng trabaho naman ang naaktuhang nagnakaw ng pinto upang may mapakain sa buntis niyang misis.
Samantala, isang 60 anyos na lola naman ang nahuli rin matapos magnakaw ng mga pagkain sa isang convenience store sa Makati.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh