Frontliner na nagpositibo sa COVID-19, pinabayaan daw ng mismong pinapasukang ospital
- Inireklamo ng nurse na nagpositibo sa COVID-19 ang pinapasukan niyang ospital matapos na sila ay pabayaan
- 'No work, no pay' daw sila gayung nahawa mismo sila ng virus habang nagtatrabaho
- Nang magpositibo sa virus, hindi pa raw sila pinasakay sa ambulansya ng pagamutan at sila na lang din mismo ang naghanap ng isolation facility na maari nilang tuluyan
- Mariing itinanggi naman ito ng ospital at "miscommunication" lamang daw ang nangyari sa pagitan nila ng nagrereklamong nurse
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inireklamo na ng isang nurse ng Binakayan Hospital and Medical Center ang admin ng naturang ospital matapos na sila raw ay pabayaan.
Nalaman ng KAMI na ang frontliner na nagpakilala lamang bilang si "John" ay nagpositibo sa COVID-19 habang siya raw ay nasa trabaho.
Ngunit ang masaklap nito, mismong ang ospital na pinapasukan ay nagawa raw silang pabayaan at i-etsepwera matapos na magkasakit.
Kwento pa ni John nang dumulog na ito sa programa ni Raffy Tulfo, hindi raw sila hinaharap noon ng admin ng ospital at ipinaalam na lamang sa kanilang 'no work, no pay' pa sila gayung malinaw naman daw na nahawa sila ng virus habang sila ay nasa trabaho.
Nang linawin ito ni Tulfo sa administration officer na si Amor Endrosalam ng Binakayan Hospital, "miscommunication" daw ang nagyari sa kanila ni "John" ang itinatanggi nito ang mga ibinabatong paratang ng frontliner.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Ayon naman sa nurse, wala naman kasulatan na nagpapatunay sa mga sinasabi ng admin officer at hindi raw ito ang natanggap nilang sagot noon na pawang nai-dokumento niya lahat.
Dagdag pa rito ang pagtalikod sa kanila ng ospital nang sila ay dapat nang i-isolate. Kwento ni John, hindi raw sila pinasakay ng ambulansya at sila na lang mismo ang naghanap ng isolation facility na maari nilang tuluyan habang nagpapagaling.
Dahil dito, minabuti ni Tulfo na siguruhin mabayaran pa rin si John sa mga araw na hindi siya nakapasok gayung nilinaw naman ng admin officer na hindi totoo ang 'no work, no pay' na sinaabi raw nila.
Gagawin na rin kasulatan ang bawat napag-usapan nila sa programa upang maging malinaw na rin sa mga frontliners na nagpositibo sa virus kung ano ang tulong na magagawa ng pagamutan sa kanilang kalagayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanilang naging usapan.
Nakalulungkot isipin na sa kabila ng hirap na dinaranas ng mga medical frontliners ay nakararanas pa sila ng diskriminsayon.
Ang ilan naman, maswerteng natutulungan mismo ng ospital o institusyon na pinapasukan lalo na kung sila ay tinamaan ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh