Mount Sinabung sa Indonesia, sumabog at kasalukuyang nasa Alert level 3 na

Mount Sinabung sa Indonesia, sumabog at kasalukuyang nasa Alert level 3 na

- Sumabog ang Mount Sinabung ng Indonesia ngayong araw, Agosto 10

- Tatlong beses na umano itong sumabog sa loob ng tatlong araw nitong pag-aalboroto

- Inaasahan ang patuloy na pagsabog nito sa mga susunod na araw dahil sa pagtaas ng tectonic earthquake ng bulkan

- Pinalikas na ang mga residenteng malapit sa bulkan lalo na at tatlong distrito ang apektado ng pagsabog na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mount Sinabung sa Indonesia, sumabog
Mount Sinabung (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Bukod sa krisis na dala ng COVID-19, isa na namang pagsubok ang kinahaharap ngayon ng mga taga-Indonesia sa pagsabog ng Mount Sinabung ngayong araw Agosto 10.

Nalaman ng KAMI na tatlong beses na itong sumasabog sa loob ng tatlong araw na pag-aalboroto nito.

Kinumpirma ito ng head of the Sinabung Volcano Observation Post, Geological Agency, at PVMBG na si Armen Putra kung saan una raw naitala ang pagsabog nitong bandang 10:16 ng umaga ayon sa ulat ng Indonesia Expat.

Ito raw ang ikatlong pagsabog na naganap sa loob ng tatlong araw. Agosto 8 nang magpakawala ng abo ang naturang bulkan bandang 1:58 ng madaling araw sa kanilang oras.

Tinatayang tatlong distrito ang apektado ng pagsabog at ito ay ang Namanteran, Merdeka at Berastagi. Nakaranas din ng pagdilim ng kalangitan ang Namanteran district.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Until today, the level of seismic activity at Mount Sinabung is still increasing and there is the potential for another eruption to occur. The status of Mount Sinabung is still on Alert Level III,” pahayag ni Putra.

Inaasahan na magpapatuloy ang pangangalit ng bulkan sa mga susunod na araw lalo na at nakikita nila ang pagtaas ng tectonic earthquake na nagaganap sa lugar.

Dahil dito, pinalikas na ang mga taong apektado sa pagputok ng bulkan, at pinaalalahanan din nilang magsuot ng face mask upang hindi makalanghap ng mga abong ibinubuga nito.

14 na buwan na ang lumipas mula nang huli itong sumabog.

Samantala, ibinahagi naman ng EarthQuakesTime sa kanilang Twitter ang nakunan nilang aktwal na pagputok ng Mount Sinabung.

Ito ang ikaapat na bulkang sumabog ngayong taon. Matatandaang Enero 9 nang nangalit ang Bulkang Popocatepetl ng Mexico, Enero 11 naman nang sumabog ang Mt. Shintake sa Japan at maging ang ating Bulkang Taal ay nambulabog din noong Enero 12 kung saan umabot ito sa Alert level 3.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na tila sunod-sunod ang di magagandang pangyayari sa mundo sa ngayon.

Kamakailan lamang, libo-libo ang nasugatan at ilan ang binawian ng buhay sa pagsabog na naganap naman sa Beirut, Lebanon.

Ilan sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers ang naging biktima ng pagsabog na siyang naging dahilan upang magdesisyon na umuwi na lamang muna ng bansa kung sila ay mapapahintulutan na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica