Pinay OFW, binahagi ang tinamo ng katawan matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon

Pinay OFW, binahagi ang tinamo ng katawan matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon

- Marami ang mga nagulat dahil sa pagsabog na nangyari sa Beirut, Lebanon kamakailan lang

- Ilang mga overseas Filipino workers din ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagsabog

- Ang isa ngang Pinay na OFW ay ipinakita ang tinamo ng kanyang katawan dahil sa trahedyang ito

- Sa ngayon, ligtas naman ang Pinay na ito at humihingi ng dasal para sa kanila sa Lebanon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagulat nga ang buong mundo matapos ang pagsabog na nangyari sa Beirut, Lebanon nitong Miyerkules.

Nalaman ng KAMI na isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang nagbahagi ng kanyang kalagayan matapos ang trahedyang nangyari sa Lebanon.

Pinay OFW, binahagi ang tinamo ng katawan matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon

Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ni Ychelle P. Vinluan, malaki ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil sa “second life” na binigay sa kanya.

“Thank you lord for the second life.. Ikaw na po bahala saming lahat..Thanks God at eto lang ang inabot ko,” aniya.

Nais naman ipabatid ng Pinay OFW sa kaniyang pamilya na siya ay ligtas na ngayon pati ang mga kasama niya sa bahay.

“Sa pamilya ko sa pinas safe na po ako, kami.. Just pray for us all here in Lebanon,” sabi nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong Miyerkules, nagulantang ang mga taga-Beirut sa Lebanon dahil sa mga pagsabog na nangyari at sinira ang mga gusali rito, pati na rin ang buhay ng maraming tao.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 12 na Pinoy ang kasalukuyang nawawala ngayon matapos ang pagsabog.

Samantala, isang OFW din ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan at ang nangyari sa bahay ng kanyang amo dahil sa trahedyang nangyari.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel