Lucero murder case: Pamilya ni Meyah Amatorio, nagpapasaklolo na rin

Lucero murder case: Pamilya ni Meyah Amatorio, nagpapasaklolo na rin

- Humihingi ng proteksyon ang pamilya ni Meyah Amatorio, ang nobya ng pinatay na si Jang Lucero

- Takot na takot na raw ang mga ito at hindi na alam kung sino ang pagkakatiwalaan matapos dukutin si Meyah at pamangkin na si Adrian Ramos na natagpuang patay kamakailan

- Napilitan nang lumapit ang mga ito sa programa ni Erwin Tulfo upang humingi ng tulong

- Samantalang si Meyah naman ay patuloy pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Humihingi ng proteksyon ang pamilya ni Meyah Amatorio, ang nobya ng pinatay na car pool driver na si Jang Lucero noong Hunyo 28 sa Calamba, Laguna.

Labis na takot na raw ang kanilang nararamdaman dahil sa mga pangyayari sa kanilang pamilya.

Lucero murder case: Pamilya ni Meyah Amatorio, nagpapasaklolo na rin

Screen grab from Tutok Tulfo
Source: Facebook

Matatandaang noong Hulyo 29, dinukot ng 'di pa nakikilalang mga suspek si Meyah at ang pamangkin nito na si Adrian Ramos.

Wala pang 24 oras nang matagpuan ang bangkay ni Adrian, ilang metro lang ang layo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Habang si Meyah naman ay patuloy pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad na ikinababahala na ng pamilya nito.

Sa programang Tutok Tulfo ni Erwin Tulfo, sinabi ng kapatid ni Meyah na si "Catherine" na lumapit sila kay Tulfo dahil hindi na raw nila alam kung sino ang pagkakatiwalaan.

Maging ang bangkay ni Adrian ay nasa morgue pa rin daw at hindi nila magawang iburol dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan.

Naiyak na lamang si Catherine nang maalala naman ang kapatid na si Meyah at iginiit na hindi nito magagawa ang krimen na ibinibintang dito.

Ayon naman sa Laguna Police, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa mga insidente.

Nauna nang naiulat na anim na saksi na ang hawak ng NBI na may kaugnayan sa pagkamatay ni Jang at Adrian at sa pagdukot kay Meyah.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte raw ay nakasubaybay sa kasong ito.

Narito ang video clip mula sa Facebook page na Pride:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio ang pagkakasangkot niya sa brutal na pagpatay kay Jang Lucero.

Kamakailan lang ay dinakip ng mga pulis ang ex girlfriend ni Meyah na si Ann Shiela Belarmino na unang itinurong suspek ngunit pinalaya rin kinalaunan.

Sa kabila nito, nais pa rin ng pamilya ni Jang na imbestigahan ng NBI si Meyah.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel