Litrato ng pulis na tinulungan ang lalaking PWD, umantig sa netizens
- Ngayong kaliwa’t kanan ang problema ng bansa, isang litrato naman ang umantig sa puso ng mga netizens
- Naging viral ang litrato kung saan kita ang pagtulong ng pulis sa isang lalaking may kapansanan
- Inalalayan ng pulis ang lalaking may problema sa paningin upang ligtas na makalakad ito
- Kanya-kanyang komento naman ang mga netizens sa nakakamanghang kabaitan ng pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging viral sa social media ngayon ang litrato ng isang pulis na buong pusong tinulungan ang isang lalaking PWD at may problema sa paningin.
Nalaman ng KAMI na ang litrato ay umantig sa mga puso ng netizens ngayong maraming problemang kinakaharap ang bansa.
Ayon sa Facebook post ng Philippine Star, tinulungan ng pulis ang lalaking may kapansanan upang makapaglakad ito nang ligtas sa Baguio City Market.
Maraming mga netizens naman ang humanga sa kabaitan ng pulis. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng Philippine Star:
“Ang sarap mamakita ng ganyan klaseng Pulis”
“God bless your kind heart... Big salute”
“Sana lahat ng mga pulis natin katulad nila but sadly many do not have clean hearts we need more men like him.. God bless you sir”
“Basta maayos kc ang mayor maayos din mga iyan ika nga follow a good leader others follow”
“Salute to all men in uniform na katulad niya... ramdam sa puso ang ginawa niya... God bless you more sir”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong 2018, hinirang nga ang Baguio City bilang ika-6 na pinakaligtas na lungsod sa Southeast Asia dahil mababa ang bilang ng mga krimen dito.
Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na umantig din sa mga netizens ang litrato kung saan kitang natutulog ang mga pulis sa lapag ng stadium.
Naibalita rin ng KAMI noon na isang sundalo ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens matapos niyang bigyan ng libreng face mask ang lalaking naglalakad at walang suot na mask.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh