Raffy Tulfo, nagsalita na sa pagkamatay ng sundalong nireklamo sa RTIA

Raffy Tulfo, nagsalita na sa pagkamatay ng sundalong nireklamo sa RTIA

- Matapos makarating sa kaalaman ni Raffy Tulfo ang pagkamatay ng sundalong inireklamo sa kanilang programa, agad itong nakiramay sa mga naulilang pamilya

- Sa kanyang pahayag, nagbigay pugay ito sa sundalo na nasawi sa isang engkwentro sa Maguindanao

- Ganunpaman, hindi nito naiwasang magbigay ng pahayag laban sa mga bashers na sinisisi siya at ang ex ng sundalo na siyang lumapit sa kanilang programa para isumbong ito

- Sinabi rin idol Raffy na hindi dapat sisihin ng mga bashers ang dalaga na isa lang biktima ng pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nakarating na sa kaalaman ni Raffy Tulfo ang pagkamatay ng sundalong si PFC Raymond Canlog, na inireklamo ng ex nito na si Daisyre Ceraos sa programang Raffy Tulfo in Action kamakailan lang.

Raffy Tulfo, nagsalita na sa pagkamatay ng sundalong nireklamo sa RTIA
PFC Raymong Canlog; screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, nagbigay pugay si Tulfo sa kabayanihan ni Canlog na nasawi sa isang engkwentro sa Maguindanao noong lamang July 29 ayon sa spokesperson ng Philippine Army.

Ganunpaman, hindi nito naiwasang magbigay ng pahayag laban sa mga bashers na sinisisi siya at si Ceraos.

Ilang linggo ang nakakaraan nang lumapit si Ceraos sa RTIA upang humingi ng saklolo dahil sa biglaang pag-atras ni Canlog sa kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, maraming netizens ang umano'y sinisi si Ceraos sa pagkamatay ni Canlog. Emosyonal din ang babae nang magsalita ito sa programa.

Pero giit ni Tulfo, walang kinalaman ang reklamo ng babae sa pagtupad ni Canlog sa kanyang tungkulin para sa bayan at biktima lamang daw ito ng pagkakataon.

Maanghang din ang naging pahayag nito para sa mga netizens na patuloy na naninira sa kanya at kay Ceraos sa social media.

Humingi naman ng tulong si Ceraos kay Tulfo laban sa mga nagpapakalat ng "fake news" laban sa kanya at kanilang pamilya.

Nangako naman si idol Raffy na tutulungan niya si Ceraos laban sa mga bashers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, sa isang pambihirang pagkakataon nagkaharap na sina idol Raffy at ang "Queen of all Media" na si Kris Aquino.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone