60 anyos na lola, arestado matapos mahuling kumuha ng luncheon meat at tsokolate
- Tampok sa social media ngayon ang pagnanakaw na ginawa ng isang 60 anyos na lola
- Ayon sa pulisya, nagnakaw ang lola sa isang convenience store sa Bel-Air, Makati
- Nakuha sa kanya ang ilang lata ng luncheon meat, mga tsokolate, at mga body spray
- Kahit na krimen ang kanyang ginawa, hindi naman napigilan ng mga netizens na maawa sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang matanda na naman ang muling inaresto matapos mahuling magnakaw sa isang convenience store.
Nalaman ng KAMI na nakuha sa matanda ang ilang mga pagkain at body spray na ninakaw niya umano.
Ayon sa tweet ng ABS-CBN News, isang 60 anyos na lola ang inaresto dahil sa shoplifting sa Bel-Air, Makati.
Nakuha sa kanya ang limang lata ng luncheon meat, mga tsokolate, at ilang body spray.
Sa ngayon, nasa kustodiya naman na ng Southern Police District ang nasabing lola na suspek.
Matapos ang kanyang nagawang krimeng, hindi naman naiwasan ng mga netizens na maawa sa lola. Narito nga ang mga komento nila:
“Walang ayuda, walang trabaho, walang kyeme mula gobyerno... ito ang mangyayari. Mali ang magnakaw pero mali rin na gutumin mo mga tao dahil ninanakawan mo.”
“If wala naman siyang history for shoplifting, let us know how we can help. She's too old and vulnerable na rin para makulong.”
“Hindi ako pabor sa pagnanakaw pero naawa ako kay Lola. Ano kaya ang feeling ng mga nagnanakaw ng billions na taxes natin. No respect for them and their families who are enjoying and flaunting their stolen wealth.”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan nga ay sunod-sunod ang mga balita ukol sa mga matatandang nagnanakaw ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.
Noong mga nakaraang linggo, isang 53 anyos na lolo naman ang inaresto matapos nitong dumampot ng dalawang lata ng luncheon meat.
Kaya naman, nagmakaawa ang 53-anyos na pedicab driver matapos ang krimeng nagawa niya. Aniya, nagawa niya lang daw ito dahil sa tindi ng kahirapang pinagdadaanan nila ng pamilya niya ngayon dahil sa lockdown.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh