Huli ka! Raffy Tulfo, napaamin at nabuking ang 1 babaeng complainant
- Sa kabila ng mga naunang pagtanggi ng isang babaeng complainant ng 'Raffy Tulfo in Action', napaamin din ito sa huli ni idol Raffy
- Inirereklamo kasi ng babae ang diumano'y pananakit sa kanya ng dating kinakasama na isang coast guard
- Ayon sa complainant, bukod sa pananakit nito noong siya ay buntis pa lamang, hindi rin daw tumupad ang lalaki sa kanilang usapan sa DSWD
- Mariin namang itinanggi ng lalaki ang mga akusasyon ng kanyang ex-girlfriend
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Wala na raw pagpipilian ang ginang na si Jean Rose Hobo kung 'di ang ireklamo ang dating kinakasama sa programa ni Raffy Tulfo dahil kakampi umano ng ex ang mga awtoridad sa kanilang lugar.
Ayon sa reklamo ni Hobo, nais niyang mabigyan ng hustisya ang pananakit sa kanya ng dating kinakasama na si Rene Ejares, isang coast guard.
Anito, sinaktan diumano siya ni Ejares noong siya ay buntis pa lamang sa kanilang anak. Bukod dito, hindi rin umano tumupad ang lalaki sa napagkasunduan nila sa DSWD.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Mariin namang itinanggi ni Ejares ang akusasyong sinadya niyang saktan ang babae at sa halip ay sinabing "self defense" lamang ang kanyang ginawa nang kagatin niya ito sa kamay.
Ayon sa kwento ng lalaki, nagalit daw si Hobo sa kanya nang umuwi siya ng gabi at inundayan umano siya nito ng saksak. Nangyari raw ito noong nakaraang taon pa.
Upang maprotektahan ang hindi pa naisisilang na anak ay kinagat na lamang daw niya ang kamay ng babae.
Noong una ay itinanggi pa ni Hobo na mayroon siyang hawak na kutsilyo ngunit nang sabihin ni Tulfo na indikasyon ang kagat bilang self defense ay binawi nito ang pahayag at inaming may hawak nga siyang kutsilyo noon.
Samantala, kaugnay naman sa sustento, ayon sa DSWD ay tinupad naman ni Ejares ang napagkasunduan nila na P10,000 kada buwan at binigyan pa ng yaya ang ex tulad ng hiling nito habang nagpapagaling sa operasyon dahil sa panganganak.
Dahil dito, humingi na lamang ng tulong si Tulfo sa PNP at DSWD upang maimbestigahan pa ang mga reklamo ni Hobo laban kay Ejares.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.
Kilala ito dahil sa kanyang public service.
Kamakailan, isang ginang naman ang dumulog kay Raffy Tulfo para ireklamo ang mister na bigla na lang nanlamig at nadiskubreng karelasyon na raw si Kagawad!
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh