Dating barker ng jeep, nangangalakal na lang sa ilog para may makain ngayon

Dating barker ng jeep, nangangalakal na lang sa ilog para may makain ngayon

- Naging viral sa social media ang nakakalungkot na kwento ng isang barker ng jeepney

- Dahil tigil pasada pa rin ang mga jeepney ngayon, pati ang kanyang hanapbuhay ay apektado rin

- Kaya naman, siya ngayon ay namimingwit na lang ng basura sa ilog upang may makalakal

- Sa loob ng apat na oras niyang pangangalakal, nasa P5 lang ang kinikita niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming mga Pinoy nga ang nawalan ng trabaho ngayon dahil sa krisis ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang dating barker ng jeep ay nangangalakal na ngayon upang may makain siya.

Dating barker ng jeep, nangangalakal na lang sa ilog para may makain ngayon

Larawan mula sa Facebook post ni Bernadette Reyes
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ni Bernadette Reyes, sa apat na oras na pamimingwit ni Vicente Bilambato ng basura sa ilog ay P5 lang na kalakal ang nakuha niya.

Paliwanag ni Mang Vicente, kailangan talaga niyang mag-tiyaga ngayon para lang may makain siya.

"Konting tiyaga lang. Kung wala kang tiyaga wala kang kakainin," sabi niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, maging ang mga netizens ay naawa sa kinahinatnan ni Mang Vicente ngayon. Narito naman ang mga komento nila sa Facebook post:

“Saludo ako sayo tay”
“Saludo ako sayo manong nakatulong ka pa sa paglinis ng ilog at kalikasan.”
“Eto dpat ang tinutulungan. Binigbyan ng pansin”
“sana matulungan k po nung mga taong mabubuti ang kalooban.....”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa ay pinagbawalan na ang mass transportation. Subalit, ngayong mas lumuwag na ang gobyerno sa patakaran ay hindi pa rin pinapayagang pumasada muli ang ibang jeepney drivers.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, 6 na jeepney driver ang nagprotesta sa kalsada para humingi ng tulong dahil sa kahirapan ngayon. Subalit, hinuli at kinulong naman sila ng pulisya.

Samantala, naiulat din noon ng KAMI na isang tsuper ang namamalimos sa kalsada sa mga kapwa tatay niya noong Father’s Day.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel