DJ Loonyo, niresbakan ni Toni Fowler na kaibigan pala ng ex-GF nito

DJ Loonyo, niresbakan ni Toni Fowler na kaibigan pala ng ex-GF nito

- Hindi na rin nagpaawat ang internet star na si Toni Fowler sa kanyang mga pahayag kaugnay sa mainit-init na isyu sangkot ang isa pang internet sensation na si DJ Loonyo

- Sa kanyang official Facebook page, inungkat ni Fowler ang diumano'y nakaraan ng sikat na dancer at ng ex-GF nito

- Kasunod ito ng pag-ere ng istorya ng buhay ni DJ Loonyo sa GMA show na Magpakailanman kagabi

- Ayon kay Fowler, kaibigan niya at kasamahan dati sa trabaho si Flores

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng kontrobersyang hinaharap ng internet sensation at sikat na choreographer na si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang si DJ Loonyo, isa pang pasabog ang lumutang ngayon sa social media.

Sa kanyang official Facebook page, hindi napigilan ng isa pang internet star na si Toni Fowler ang maglabas ng kanyang saloobin kaugnay sa isyung ito.

DJ Loonyo, gisado kay Toni Fowler kaugnay sa isyu nito sa ex-GF

Photo from Toni Fowler Facebook page
Source: Facebook

Kasunod ng naging pahayag ng babaeng nagpakilala bilang ex-girlfriend at ina ng namayapang anak ni DJ Loonyo na si Aika Flores, inihayag ni Fowler ang diumano'y nakaraan ng dalawa.

Sinabi rin nito na kaibigan niya si Flores at nais lamang niyang ipagtanggol ito mula sa mga nambabatikos dito dahil sa naging pahayag nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Small world no? Tropa ko nga pala yung nabuntis mo at hindi mo pinanindigan. Brad saksi ako sa pag hihirap ng tao. Mag ka grupo kami dati sa channel 4. Nung panahon na merong kayo," ani Fowler sa kanyang post.

"SAKSI AKO NA YUNG BABAENG BINUNTIS MO SUMASAYAW AT NAGIIPIT NG TYAN PARA LANG KUMITA NG PERA. 500 PESOS LANG TF NAMIN NON PER DAY! Ganon ka kritikal yun brad with rehearsal pa bago mag show!" dagdag pa nito.

Ayon pa kay Fowler, binaligtad umano ni DJ Loonyo ang pangyayari nang ibahagi nito ang istorya ng buhay nito sa GMA show na "Magpakailanman".

Matatandaang kasunod ng pag-ere nito kagabi ay agad na lumutang at kumalat ang post ni Flores sa social media at nag-trending pa nga ito sa Twitter.

Agad namang naglabas ng pahayag sa pamamagitan ng isang open letter ang kampo ni DJ Loonyo kaugnay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si DJ Loonyo ay isang China-based Filipino choreographer na nakilala sa kanyang paggawa ng mga dance covers sa social media.

Nakilala ang tambalan nila ng aktres na si Ivana Alawi matapos nilang magkasama sa isang YouTube video ng aktres.

Naging viral kamakailan si DJ Loonyo dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mass testing at paggamit ng facemask.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel