Pinay sa Canada, nakaranas ng diskriminasyon at pananakit mula sa lalaking di niya kilala

Pinay sa Canada, nakaranas ng diskriminasyon at pananakit mula sa lalaking di niya kilala

- Nag-viral ang post ng isang Pinay sa Canada na nakanaras ng diskriminasyon at pananakit ng isang lalaking hindi niya kilala

- Pilit na hinihingi raw ng lalaking Canadian ang kanyang numer ngunit hindi niya ito binigay

- Hindi na rin kasi maganda ang mga sinasabi ng lalaki kaya naman hindi na niya ito pinapansin

- Ngunit ang hindi pala pagpansin ng Pinay ang siyang magiging dahilan ng pagka-bayolente ng lalaki na nagawa pang sugurin ang tirahan nila

- Nagtamo ng pasa ang panunugod ng Canadian kaya naman nagsampa ng kaso ang panig ng Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay sa Canada, nakaranas ng diskriminasyon at pananakit mula sa lalaking di niya kilala
Ang Canadian na nakilalang si Rylee Dodd na nagawa pang sipain ang pinto ng tinitirhan ni Patricia Medrano. Source: Patricia Anne Facebook
Source: Facebook

Isang Pinay sa Alberta, Canada ang naging biktima ng diskriminasyon at pananakit ng isang di niya kilalang lalaking Canadian.

Nalaman ng KAMI na nais daw hingin ng lalaki ang numero ng Pinay na nakilalang si Patricia Anne Medrano ngunit tumanggi ito.

Ayon kay Patricia, hindi maganda ang pakikipag-usap ng lalaki at tila nakakabastos na rin daw ito.

Pababa na sana sila ng kanyang kapatid na nagpanggap na kanyang kasintahan upang matigil na ang lalaki ngunit patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng hindi magandang mga salita.

"Go back to your country!"

"This is Canada, not Wuhan. You spread the virus,"

"You're not even Canadian," ang ilan sa mga sinabi ng Canadian na nakilalang si Rylee Dodd ayon sa ulat ng Inquirer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa video na na binahagi mismo ng biktima, kitang-kita kung paano maka-ilang beses na tindyakan ni Dodd ang pinto nina Patricia, dahilan para magtamo siya ng pasa.

Matapos ito, mas malala pang mga salita ang nabitawan nito at nagbanta na itong papatayin sila.

"I'll kill you... I'll decapitate you," pagbabanta ng lalaki.

"Filipino... get out of Canada," pagpapatuloy pa niya.

Takot na takot sina Patricia kaya naman hindi niya nagawang i-video ang unang bahagi ng pangyayari.

Agad na rin silang tumawag ng 911 upang i-report ang pangyayari. Kinasuhan ng kampo ni Patricia si Dodd ng assault following a racist rant at physical altercation.

Pinagbawalan na rin ito na magpunta sa building kung saan nakatira ang pamilya ng Pinay.

Nakalulungkot isipin na halos sunod-sunod ang balita patungkol sa diskriminasyong nararanasan ng mga kababayan nating Pilipino sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maaalalang ang ABS-CBN correspondent na si Ginger Conejero at kasama nitong si TJ Manotoc ay di rin nakatakas sa mga tinatawag na 'racist' sa Amerika. Habang kinukunan ng video ang pag-uulat ni Conejero, nasapul ang pagdaan ng isang lalaki na sinabihan silang "pigs" at disease carriers."

Gayundin ang panghahamak ng isang CEO sa isang pamilyang Pinoy sa isang restaurant sa California. Mabuti na lamang at may mabuting puso ang serbidora ng lugar na ipinagtanggol ang mga Pilipino at pinaalis ang lalaking kalauna'y humingi rin ng tawad sa kanyang maling nagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica