OFW sa South Korea, pinasok ang pagiging vlogger para maka-inspire ng kapwa Pinoy

OFW sa South Korea, pinasok ang pagiging vlogger para maka-inspire ng kapwa Pinoy

- Binahagi ng isang OFW sa South Korea ang nakaka-inspire niyang kwento sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa sa loob ng tatlong taon

- Masasabi niyang malaki na ang pinagbago ng kanyang buhay mula nang mangibang bansa at laking pasalamat niyang wala namang nagiging aberya

- Bukod sa kanyang hanapbuhay sa isang fish factory, pinasok na rin niya ang vlogging

- Karamihan sa content ng kanyang videos ay ang paghihikayat sa mga kapwa niya Pinoy na magpunta sa South Korea at upang magbigay inspirasyon sa mga kababayan nating nawawalan na ng pag-asa sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW sa South Korea, pinasok ang pagiging vlogger para maka-inspire ng mga Pinoy
Randolph Santos
Source: Facebook

Buong pagmamalaking ikinuwento ni Randolph Santos ang kanyang karanasan sa pagiging OFW sa South Korea.

Nalaman ng KAMI na tatlong taon na siyang fish factory worker doon at tila nahihiyang na siya sa kanyang hanapbuhay.

Awa ng Diyos, hindi gaanong apektado ng pandemya ang kanyang trabaho kaya naman laking pasalamat niya na mayroon pa rin siyang kinikita.

Aminado siyang ilang pagsubok na ang kanyang nalampasan at masasabi niyang ito ang nagpatatag sa kanya ngayon upang unti-unting kamtin ang mga pangarap.

Ngayon, pinasok na rin niya ang pagiging vlogger upang maka-inspire sa mga kababayan nating tila nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

Binabahagi rin niya ang ganda ng South Korea at mapalad daw siyang doon siya napadpad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng kwento ng 27-anyos na OFW na tiyak na kapupulutan natin ng aral sa buhay.

"Ako po si Randolph Santos, 27 yrs old, fish factory worker and vlogger. Na kadestino po ako ngayon sa Jeju Island South Korea, nagwowork po ako sa fish factory at lagpas 3yrs n po ako rito. Marami po akong naging work sa Pinas pero yung last work ko po ay sa isang mall sa BGC bilang sale's clerk.
Simula pa nung bata po ako pangarap ko na din ang mag abroad upang makatulong sa mga magulang at pamilya at lalo nung nagkasakit si tatay ng Parkinson's disease may times na parang ayaw ko ng umalis dahil ayaw kong iwang si tatay ng may karamdaman na ganun pero sa will ni God andito at natutustusan yung pangangailangan po namin.
Pang 5 po ako samen pero ako po yung breadwinner ng family. 3 sisters po may mga sarili ng pamilya ako bunso at kuya po namin wala pa, kasama si nanay at tatay sa bahay po. Sa pagtatrabaho po dito sa South Korea wala pa po akong naranasan na discrimination at napakabait ng mga amo po namin at kasamahan sa work.
Sa loob po ng almost 2 yrs napaayos ko po ang munti naming bahay at ngayon po nag iinvest sa real estate for future plans.
Isa sa pinakamagandang naiidulot po ng pag wowork ko dito ay yung natutustusan yung pangangailangan po namin sa araw-araw at yung bagay na po yun ay napakalaking bagay na po, higit sa materyal na bagay kundi po yung mula sa maliliit na bagay ay napapahalagahan po namin.
OFW sa South Korea, pinasok ang pagiging vlogger para maka-inspire ng mga Pinoy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon po sobrang grateful samen magkakapatid 2 lng po kami grad ng high school at ngayon po napagpapatuloy ko ang pag aaral ko sa college thru online. I'm taking up BS in computer engineering 1st yr po.
If all that comes out of our mouth is gratitude and appreciation there will be no room for discontentment or dissatisfaction.
Sa pagtatrabaho po ko dito and ever since marunong po akong makontento at maging mapagpasalamat sa bawat bagay.
But to get what something we never had. We gotta do somethin we never did, simply means we don't get what we want in life.
Yung pandemic sa awa ng Diyos d nman po kami gani naapektuhan at patuloy pdin po kami nagwowork.
And I believe happiness can be greatly achieved not by material possession but thru having an appreciative heart with indiscriminate judgment
Lastly, it is not just loving other human beings but also being aware of the environment and doing our job to give back its immense care.
Nag vlog din me dahil una po gusto ko makatulong sa kapwa ko Pinoy na gusto din makapag work d2 sa korea, nagtuturo din po ako ng basic Korean language sa vlog ko po at nagbibigay inspiration somehow to enhance and enable oneself even more."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica