Sa kabila ng pagtanggi: PNP, may matibay na ebidensya laban kay Ann Sheila Belarmino

Sa kabila ng pagtanggi: PNP, may matibay na ebidensya laban kay Ann Sheila Belarmino

- Lumabas na ang pahayag kay Ann Shiela Belarmino, ang sinasabing suspek sa pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero

- Mariing itinatanggi ni Belarmino na may kinalaman siya sa karumal-dumal na pagpatay kay Lucero

- Giit niya, nasa ibang lugar siya at nakikipag-inuman nang mangyari ang krimen

- Sa kabila ng pagtanggi, mabigat umano ang hawak na ebidensya ng PNP region IV-A laban kay Belarmino at sa mga kasamahan pa nitong sinasabing nasa likod ng malagim na pagkamatay ni Lucero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pagtanggi: PNP, may matibay na ebidensya laban kay Ann Sheila Belarmino
Si Ann Shiela Belarmino sa panayam sa kanya ng GMA News
Source: Facebook

Nasakote na ng pulisya ang sinasabing mastermind ng pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng mga ebidensyang unti-unting nilalahad ng Philippine National Police Region 4-A ay nakuha pa ring itanggi ni Ann Sheila Belarmino ang kaugnayan niya sa pamamaslang kay Lucero.

Sa panayam ng 24 Oras kay Belarmino, mariin niyang itinanggi na may kinalaman siya sa malagim na sinapit ni Lucero noong gabi ng Huyo 28.

Sinabi ni Belarmino na wala siya sa pinangyarihan ng krimen dahil noo'y nakikipag-inuman siya sa ibang lugar.

Subalit, inamin naman nito na naging kasintahan niya ang nobya ni Lucero na si Meyah Amatorio nang halos isang buwan ngunit nakipaghiwalay siya nang malamang nakikipag-ayos ito kay Lucero.

Hindi rin daw selos ang posibleng motibo ng pamamaslang dahil sa maiksing panahong nakarelasyon niya si Amatorio, hindi pa raw ito ganoon kamahal at mababaw pa raw ang kanilang pagsasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

(Larawan mula kay Rea Calonge)

Matapang pang humarap si Belarmino sa camera ng 24 Oras at sinabing lilitaw din ang katotohanan at patutunayan niyang wala siyang kinalaman sa sinapit ni Lucero.

Samantala, ayon naman kay Police Brigadier General Vicente D. Danao Jr. ang Regional Director, ng Calabarzon, mabigat ang ebidensya nila kay Belarmino.

Mayroon daw silang mga saksi na makapagpapatunay na sumakay si Belarmino ang mga kasama nito sa sasakyan ni Lucero nang gabing ito ay pinaslang.

Maaring magsagawa rin sila ng DNA testing upang makuha ang mga samples sa sasakyan na mas makapagpapatibay ng ebidensya laban sa mga suspek.

Si Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang walang buhay sa loob ng sarili niyang sasakyan noong Hunyo 28 ng gabi.

Tadtad ito ng nasa 52 na saksak na siyang kumitil sa kanyang buhay sa loob pa naman ng kotse na siyang ginagamit niya ngayong pang-hanapbuhay matapos na mawalan ng trabaho dala ng COVID-19.

Hulyo 3 nang madakip ang sinasabing mastermind ng malagim na sinapit ni Lucero na si Ann Shiela Belarmino at kasalukuyan na itong nasa Calamba City Police Station.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang mga kasama nito na ayon sa pulisya ay tinatayang nasa limang katao pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica