Dating ₱30 ang kita kada araw, nakapagpatayo na ngayon ng bahay sa paglalaro ng ML
- Marami ang namangha sa kwento ng tagumpay ni Edgar “Choox” Dumali na isang YouTube livestreamer
- Amindong dating hikahos sa buhay at hirap makahanap ng maayos na trabaho
- Umabot pa sa punto na ₱30 lang ang kinikita niya kada araw, patuloy pa rin siya sa paghahanap ng maayos na trabaho
- Ngayon, dahil sa paglalaro ng Mobile Legends, milyon na ang kanyang kinikita at nakapagpundar na rin siya ng kanyang dream house
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakaka-inspire ang kwento ng tagumpay ng livestreamer na si Edgar “Choox” Dumali na nasa likod ng YouTube channel at Facebook page na ChooxTv.
Nalaman ng KAMI na aminado si "Choox" na dumaan din siya sa hirap ng buhay.
Pinapag-aral kasi siya noon ng kanyang ama ngunit dahil sa nawili siya sa mga online games, naisipan niyang lumayas.
Para mabuhay, kailangan niyang magtrabaho. Papalit-palit at palipat-lipat siya ng hanapbuhay na minsan pa nga ay ₱30 ang kinikita niya sa isang araw.
Naging tagahugas siya ng pinggan sa palengke, maging ang pagiging panadero ay pinasok niya kahit pa katabi lang halos ng kulungan ng baboy ang kanilang tulugan.
Tuwing babalikan daw ni Choox ang mga karanasan niyang iyon, hindi niya mapigilang maging emosyonal.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ngunit dahil sa kagustuhang may mapatunayan sa kanyang kapatid na maaring may marating ang mga online gamers na tulad niya, nag-search siya kung paano niya ito mapapagkakitaan.
Sa kanyang pagtitiyaga, natuto siyang mag-networking, vlogging at maging ang paggawa ng article at website ay natutunan na rin niya.
Lalong-lalo na ang pag-livestream ng online game tulad ng Mobile Legends na siyang nagbigay ng swerte sa kanyang buhay.
"Ngayon, umaabot ng 1.5 million buwan-buwan sa YouTube at pag-stream 'yung kinikita ko! Nakapagpatayo na rin ako ng bahay para sa pamilya ko!" pahayag ni Choox na labis na ikinamangha ng lahat.
Tila, mapalad si Choox na ang kanyang kinahihiligan ang siyang magbibigay pala sa kanya ng maginhawang buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh