Isang pulis, nabaril ang kapwa-pulis matapos mapaghinalaang kalaban ito

Isang pulis, nabaril ang kapwa-pulis matapos mapaghinalaang kalaban ito

- Nabaril ng isang pulis ang kapwa niya pulis matapos akalaing kalaban umano ito

- Kwento ng pulis, pumasok ang kapwa niya pulis sa presinto ng hindi naka-uniporme at hindi ito sumasagot nang tangungin kung sino siya

- Bumunot din daw ng baril ang kapwa pulis, kaya naman lumaban na rin ang pulis at binaril ito

- Labis naman ang pagsisisi ng pulis ngayon at sumuko na rin siya sa krimeng nagawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pulis, nabaril ang kapwa-pulis matapos mapaghinalaang kalaban ito

Photo from GMA News Online
Source: Facebook

Isang pulis ang nakapatay ng kapwa niya pulis sa Titay, Zamboanga Sibugay, matapos nitong pagkamalang kalaban ang kabaro niya.

Nalaman ng KAMI na labis naman ang pagsisisi Patrolman Laurence Ancheta matapos mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, sabi ni Achete ay bigla raw pumasok si Police Corporal Jorge Baltazar sa presinto. Dahil hindi nakasuot ng police uniform si Baltazar, inakala ni Achete na “kalaban” ito.

Aniya, ilang beses niya raw tinatanong si Baltazar kung sino siya, pero hindi raw ito sumasagot at biglang bumunot ng baril.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang panayam, makikita na naiiyak na sa pagsisisi si Achete. Giit niya, sa kanilang mga operasyon ay never siyang nagpapaputok. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataong may nabaril siya.

“Never akong nakakaputok, it’s the first time,” sabi niya.

Dahil sa kanyang labis na pagsisisi, sumuko naman si Achete at humaharap ito ngayon sa isang kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel