Bagong panganak na misis, buking si kabit at mister dahil sa TikTok

Bagong panganak na misis, buking si kabit at mister dahil sa TikTok

- Isang kapapanganak na misis ang nabuking ang kanyang mister at ang kabit nito sa TikTok

- Si misis pa ang nagpapadala ng pera kay mister dahil sinabi nito na may sintomas siya ng COVID-19

- Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ni mister ang bagong silang nilang baby dahil ayaw daw nitong umuwi sa kanila

- Bistado rin ng mga kaibigan nila ang ginawang pagtataksil ni mister at handa silang tumestigo sa korte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' ang misis na si Cherry De Guzman, may 3 anak sa kanyang mister na si Alexis De Guzman.

Nalaman ng KAMI na kapapanganak lang kasi ni misis nang matuklasan niya ang pagtataksil ni mister at ang kabit pa ay mismong boarder nila.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masakit pa rito, sinabi ni mister kay misis na meron siyang sintomas ng COVID-19. Sa awa ni misis, kahit na kapapanganak lang, siya pa ang nagpapadala ng pera kay mister.

Nagulat na lang si misis nang magsumbong sa kanya ang ilan sa kanilang mga kaibigan na nagpapatunay ng pagtataksil ni mister sa kanya.

Ayon pa kay Cherry, nakita niya sa TikTok ang kabit ni mister na suot ang damit nito. Sa kabilang banda, mariing itinatanggi ni Alexis ang mga bintang sa kanya at tropa lang daw niya ang boarder nila.

Sabi pa ni misis sa kanyang mister, "Hindi niya naiisip na kakapanganak ko pa lang. 'Di pa niya nakikita anak namin 'tas ganyan ang gagawin niya saken."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, bangayan ng dalawang grade school teachers agad na nag-viral sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel