Nanay na nalugi ang negosyo at nahiwalay sa asawa, patok ang negosyo ngayon at P50K ang kita kada araw

Nanay na nalugi ang negosyo at nahiwalay sa asawa, patok ang negosyo ngayon at P50K ang kita kada araw

- Matapos ang matinding paghihirap sa buhay, sunod-sunod na biyaya naman ang natanggap ng isang ina

- Noon, may sarili siyang printing shop pero nalugi ito nang nagsimula ang enhanced community quarantine

- Bukod sa walang kita, naghiwalay din sila ng asawa niya kaya doble ang hirap para buhayin niya ang mga anak niya

- Kaya naman, naisip niyang magbenta ng manok online at naging patok nga ang negosyo niyang ito

- Ngayon, nasa P50,000 na ang kinikita niya kada araw at may tatlong pwesto at dalawang kotse na rin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nanay ang nagbahagi ng kanyang kwentong tagumpay matapos ang matinding kahirapan na pinagdaanan niya nang magsimula ang enhanced community quarantine noong Marso.

Nalaman ng KAMI na matapos ang kanyang paghihirap ay sunod-sunod na naman na biyaya ang natanggap niya sa buhay.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, may printing shop si Minda Nacario noon pero nalugi ito dahil sa ECQ. Kaya naman, nawalan siya ng kita at matinding hirap ang pinagdaanan niya.

“Dumating ‘yong time na ‘yong baby ko walang diaper tapos nagkasakit siya, sabi ko wala akong pambili ng gamot hanggang sa dumating ‘yong time na pakainin ko na lang siya ng asukal," aniya.

Bukod pa rito, naghiwalay din sila ng kanyang asawa kaya siya lang mag-isa ang bumubuhay sa mga anak niya. Naisip niyang magbenta ng manok at ang kanyang capital ay nasa P2,500 lang.

Nagsimula siyang magbenta ng manok online. Dahil dito, nakasama rin siya sa programa ng Quezon City na fresh market on wheels kaya mas pumatok ang tinda niya.

Mula sa maliit na puhunan, umabot na sa P50,000 kada araw ang kinikita niya. Nasa limang toneladang manok na rin ang nabebenta niya araw-araw. Dahil dito, nagkaroon na rin siya ng tatlong pwesto at dalawang kotse para sa delivery. Nagpapagawa na rin siya ngayon ng storage room para sa mga tinda niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naisip din niyang tulungan ang mga malapit sa kanya. Kaya naman, nagbebenta na rin ng manok ang ate niya at driver naman ang kamag-anak ng dati niyang asawa.

“Binigyan po ako ng pagkakataon kung paano ako kumita, bumangon mula noong isang kayod, isang tuka," sabi niya.

"Pero dumating po ‘yong time na kaya naman pala, hindi naman pala puwedeng tuluy-tuloy ‘yong ganoon kung masipag ka talaga,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mensahe naman niya para sa mga nahihirapan din sa buhay ngayon ay huwag mawalan ng pag-asa, gamitin ang utak at huwag pangunahan ng takot ngayong may krisis.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel