Misis ng OFW na nabuntis ni kumpare, kinampihan ng mga netizens

Misis ng OFW na nabuntis ni kumpare, kinampihan ng mga netizens

- Sa kabila ng naging kasalanan ng isang ginang na inireklamo ng kanyang mister kay Raffy Tulfo, marami pa rin ang pumanig na netizens dito

- Inireklamo kasi ito ni mister matapos mabuntis ni kumpare habang sila ay kasal pa

- Pero giit ni misis, matagal na silang hiwalay ni mister bagamat hindi pa nga napapawalang-bisa ang kanilang kasal

- Demand ni mister, makuha ang bata mula kay misis at gastusan nito ang kanilang annulment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabaliktad ang mga kaganapan sa isa sa mga reklamo sa programang Raffy Tulfo in Action kamakailan matapos kampihan ng mga netizens ang inirereklamong misis na nagpa-buntis kay kumpare.

Idinulog kasi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jousue Onsay ang kanyang reklamo laban sa misis na si Sheryl sa nasabing programa ni idol Raffy.

Anito, nais lamang sana nito na makuha mula kay misis ang kanilang anak pero hindi pumayag si Sheryl kaya naman inireklamo na niya ito sa RTIA.

Ngunit giit ni misis, matagal na silang hiwalay ni Jousue at nauna umano itong hindi nagparamdam sa kanilang mag-ina. Matagal din daw na hindi ito nag-sustento sa bata.

At si kumpare ang siyang naging sandigan sa mga panahong pinabayaan sila ni Jousue.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nito lamang daw 2019 nang muling magparamdam sa kanilang mag-ina ang mister at iginiit na hindi ipinagdadamot dito ang bata.

Pero ayon sa abogado na si Atty. Garreth Tungol, labag pa din sa batas ang ginawa ni misis at posible pa itong makulong dahil sa pakikipag-relasyon nito sa ibang lalaki habang ito ay kasal pa.

Maaari rin daw na mapunta ang kustodiya kay mister dahil dito.

Ngunit ang mga netizens, hindi nagustuhan ang takbo ng kaso lalo pa at sinabi ni mister na minahal lamang niya ang asawa dahil nabuntis niya ito, na hindi rin sinang-ayunan ni Raffy Tulfo.

Demand pa nga ni mister, dapat daw na si misis ang gumastos sa kanilang annulment dahil sa naging pagkakasala nito.

Sa huli, nagkasundo pa rin ang dalawa na pag-usapan sa harap ng mga awtoridad ang tungkol sa kanilang mga reklamo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, idinulog din sa programa ni idol Raffy ang isyu ng viral na Grab rider na nakasagasa ng 8-anyos na bata.

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na kinikilala ng marami dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programa.

Kapatid nito sina Ramon, Ben at Erwin Tulfo na kilala rin sa larangan ng broadcasting.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel