3 Pinay OFW sa Riyadh na positibo sa COVID-19, binantaang ibebenta pa ng kanilang amo

3 Pinay OFW sa Riyadh na positibo sa COVID-19, binantaang ibebenta pa ng kanilang amo

- Humingi ng saklolo ang tatlong Pinay OFW sa Riyadh na kumpirmadong positibo sa COVID-19

- Pinaniniwalaang nakuha nila ito sa kanilang amo na unang tinamaan ng virus

- Kasalukuyan na silang inilayo sa lugar ng amo ngunit binantaan pa sila na ibebenta sila nito

- Naidulog na sa OWWA ang kalagayan ng tatlo sa tulong ng programang Unang Hirit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob na humingi ng saklolo ang tatlong OFW sa Riyadh na nagpositibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nadala silang dalawa sa ospital at doon nakumpirmang positive na sila ng kinatatakutang virus.

Sa video na binahagi ng Baliktad89 sa YouTube, mapapansing hirap na sa paghinga ang Pinay na humihingi ng tulong.

Maya't maya na rin ang pag-ubo nila at kita na ang panghihina ng kanilang katawan.

Kwento nila, inilayo na sila ng kanilang amo na unang nagkaroon ng COVID-19.

Naniniwala silang iyon ang nakahawa sa kanila dahil hindi raw ito maayos na nag-self isolate nang malamang mayroon siyang COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang malaman pa raw ng amo na may virus na rin ang mga OFW, pilit pa rin silang pinagtatrabaho nito at nagagawa pang saktan.

Ang masaklap, binabantaan din silang ibebenta kaya naman nakadagdag pa ito sa hirap na dinaranas dala ng COVID-19.

Bukod sa video kung saan humihingi sila ng saklolo, isa pang video ang kumalat kung saan isa sa kanila ay hirap na hirap na sa paghinga.

Pinagdarasal na lamang ng dalawa ang kasamang pinahihirapan ng COVID-19 habang pinalalakas nila ang loob nito sa pagsasabing naghihintay ang kanyang mga anak sa Pilipinas.

Ito ang pumukaw sa atensyon ng programang Unang Hirit na siyang naging daan upang maidulog na nila ang lagay ng mga OFW sa Overseas Workers Welfare Administration.

Ayon kay OWWA Chief, unang hakbang na dapat na gawin ay madala sa ospital ang tatlo upang mabigyan ng atensyong medikal.

Hinihintay pa rin umano ng tatlo na sila ay matulungan sa lalong madaling panahon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica