Viral! Galit na customer, niresbakan ng crew na minura at binato nito

Viral! Galit na customer, niresbakan ng crew na minura at binato nito

- Viral na sa social media ang post ng isang netizen kaugnay sa nangyaring gulo sa pagitan ng isang customer at crew ng isang convenience store

- Sa naturang post, ibinahagi ng netizen ang video ng dalawa na nagkaroon sagutan at batuhan

- Batay sa video, nag-ugat ang insidente dahil sa pila na siyang ikinagalit ng customer

- Umani naman ito ng samu't saring opinyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit ang isang customer na lalaki sa isang viral video na naibahagi ng isang netizen sa social media.

Sa Facebook video na in-upload ng netizen na si Joe Na Tan noong June 10, 2020, makikita ang customer na sumisigaw habang dinuduro ang crew na hindi na nakuhanan ng video.

Batay sa video, nag-ugat ang insidente dahil sa pila na siyang ikinagalit ng customer.

Maya-maya pa ay makikitang binato ng customer ng isang plastic ng tinapay ang crew na nadampot nito sa counter.

Pero tila napikon na rin ang crew dahil gumanti rin ito ng pamamato na mas lalong ikinagalit ng customer na pinagmumura na nga ang una.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pilit naman itong inaawat ng mga taong naroon at ng security guard ng tindahan at sapilitan nang inilabas ang customer.

Hindi man naging malinaw ang tunay na pinagmulan ng insidente, marami namang netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa ng customer.

Ayon sa iba, hindi sa lahat ng oras ay masasabing "customer is always right".

Pero mayroon din namang nagtanggol dito at sinabing hindi malinaw kung bakit ito nagalit.

Posible rin daw na hindi naging maayos ang serbisyo rito kung kaya ito nagalit sa crew.

Mabilis na nag-viral ang video na ito at umabot sa halos 40,000 ang shares sa social media habang mayroon na itong 44,000 reactions.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel