Wedding photo na kasama si Mayor Vico, kinagiliwan ng netizens

Wedding photo na kasama si Mayor Vico, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang larawan ng bagong kasal kung saan nagmukhang groom si Mayor Vico Sotto na siyang katabi ng bride

- Nakakapit pa ang bride sa Mayor ng Pasig kaya lalong naaliw ang netizens at napansing parang sila ang ikinasal

- Nagawa pang magbiro ng ilang netizens na nagmistulang ring bearer ang totoong groom na katabi ng alkalde

- Ang ilan pang makukulit na netizens, ang mayor at ang bride ang kanilang na-congratulate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good vibes ang hatid ng viral na larawan ng bagong kasal kasama si Mayor Vico Sotto.

Kapansin-pansin sa larawan na binahagi ni Sheina at ng Jets 247 na nakakapit ang bride sa alkalde ng Pasig City na nasa gitna nila ng kanyang groom.

Natuwa ang mga netizens dahil aakalain ng iba na ang Mayor ang ikinasal sa bride na nakahawak sa kanyang braso.

Nakuha pang magbiro ng ilang makukulit na netizens na nagmistulang ring bearer lamang ang totoong groom na nasa tabi rin ni Mayor Vico.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:

"Hahahahha, ang kulit! sino ba ang ikinasal at nagkasal?"
"Mayor Vivico, bakit di mo sinabi na ikinasal ka pala?"
"Mayor Vico, sino po siya? bakit bigla ka nalang nagpakasal"
"Kuya groom, ok ka lang po ba? ako po parang di ok para sa'yo e."
"Si ate kasi kasi kapit na kapit kay Mayor, para tuloy sila ang ikinasal"

Samantala, sa mismong Facebook page ni Mayor Vico binahagi niya na nakapag-officiate siya ng dalawang kasal dahil nasa ilalim na general community quarantine ang Metro Manila.

Nagbiro pa ito na pinahintulutan niyang magtanggal ng masks ang mga ikinasal para sa limang segundong "kiss-the-bride."

Si Vico Sotto ang alkalde ng Pasig City na anak ng batikang komedyante at TV host na si Vic Sotto at TV host/actress na si Coney Reyes.

Mas naging matunog ang pangalan niya dahil sa mga proyekto niyang labis na nakatutulong sa mga kababayan niya sa lungsod ng Pasig lalo na sa panahon tinamaan ang Pilipinas ng krisis ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel