7-anyos na Pinay, pumanaw matapos kumain ng fried chicken na inorder online
- Isang 7-anyos na Pinay ang pumanaw sa Kuwait matapos kumain ng fried chicken na binili online mula sa isang fast food restaurant
- Pumanaw si Zara Louise Lano noong Marso 21, isang araw matapos kainin ang nasabing fried chicken
- Sinabi ng ina ni Zara na si Faye Lano na iba ang lasa ng manok, masyado itong mamantika, at tila hindi bagong luto ang pagkain
- Kung mapatunayan na food poisoning ang naging sanhi nito, balak ng pamilya na mag-sampa ng kaso laban sa fast food chain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang 7-anyos na Filipina ang pumanaw sa Kuwait matapos kumain ng fried chicken na binili online mula sa isang fast food restaurant.
Ayon sa report ni Vonne Aquino para sa GMA program na Unang Balita, pumanaw si Zara Louise Lano noong Marso 21, isang araw matapos kainin ang nasabing fried chicken.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ipinaliwanag ng ina ni Zara na si Faye Lano na iba ang lasa ng manok, masyado itong mamantika, at tila hindi bagong luto ang pagkain.
Hindi na inubos ng pamilya ang manok pero tumuloy pa rin sila sa ospital nang sumama ang pakiramdam nila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Zara at Faye ang na-discharge pero ang ama ng tahanan at ang anak na lalake ay pinanatili sa ospital.
Ilang oras ang makalipas, bumalik si Zara at Faye sa ospital dahil sa LBM at nausea. Sa kasawiang palad, lumala ang kundisyon ni Zara at kinailangang dalhin na siya sa intensive care unit (ICU) ng ospital, kung saan siya binawian ng buhay.
Acute failure of blood circulation at septic shock ang itinalang cause of death ni Zara. Kung mapatunayan na food poisoning ang naging sanhi nito, balak ng pamilya na mag-sampa ng kaso laban sa fast food chain.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh