BB Gandanghari, ibinahagi kung paano niya pinagtapat kay Carmina ang kanyang pagkatao

BB Gandanghari, ibinahagi kung paano niya pinagtapat kay Carmina ang kanyang pagkatao

- Sa unang pagkakataon ay ibinunyag ni BB Gandanghari kung paano niya pinagtapat kay Carmina Villaroel ang kanyang pagiging miyembro ng LGBT

- Nilinaw niyang bago pa niya napagdesisyunang ilabas at isapubliko ang tunay niyang pagkatao, si Carmina ang unang nakaalam

- Naging emosyonal si BB habang nagbalik-tanaw sa tagpo kung paano sila nag-usap na muli ng dating asawa

- Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nina Rustom at Carmina, napanatili umano nila ang respeto para sa isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube live, buong tapang na ikinuwento ni BB Gandanghari ang tungkol sa pagtatapat niya sa dating asawang si Carmina Villaroel tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao.

Bago pa man niya na-realize sa sarili niya, naging maayos ang pagsasama nila at nagmahalan umano sila ni Carmina.

Matapos ang kanilang paghihiwalay, napaisip siya kung totoo ba ang pinupukol na isyu sa kanya na bakla siya. Gayunpaman, hindi niya umano ginawang manligaw ng sinumang babae pagkatapos ng kanilang paghihiwalay para lang mapatunayan sa tao ang kanyang pagiging lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng hindi matapos-tapos na isyu, palagi umanong ipinagdasal ni Rustom na patuloy siyang tulungan ng Panginoon sa kanyang mga paghihirap.

Pagkukuwento niya, naging daan si Candy Pangilinan upang makausap niya si Carmina. Naniniwala siyang dapat maunang makaalam si Carmina bilang respeto na rin sa dati niyang asawa.

Pagkatapos niyang ipagtapat kay Carmina ang tungkol sa kanyang lihim, nagpahayag ng pagsuporta ang aktres.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

kakaiyak nakakapanghinayang .. ang kagandahan. tahimik nyong tinapos ang relasyon.
Napakaganda ng kwento ni Ms. BB
BB: "kung ako magiging lalake ulit,cya (Carmina) parin ang liligawan" ♥️ aaaaaay sana all!
Rustom and Carmina had a beautiful relationship built on true love and respect. Thank you for sharing their love story. I loved Chapter 1 of BB Uncut and I look forward to the next chapters!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Binibini "BB" Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel