Isang lalaki, nagsilbing inspirasyon para sa mga hindi marunong mag-bike kahit kailangan

Isang lalaki, nagsilbing inspirasyon para sa mga hindi marunong mag-bike kahit kailangan

- Isang Pinoy ang nag-viral sa social media dahil sa kanyang determinasyon para magsumikap sa buhay

- Kita sa litrato na ang gamit niyang bisikleta ay para sa mga bata o ‘yung mga hindi pa marunong at nag-aaral pa lang magbisikleta

- Kaya naman, nagsilbing inspirasyon ito para sa mga Pinoy na hindi marunong magbisikleta kahit kailangan dahil sa community quarantine

- Hanggang sa ngayon ay may community quarantine pa rin sa bansa kaya ilang mass transportation pa lang ang pinayagang bumyahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang tatay na nagsilbing inspirasyon sa mga netizens sa gitna ng krisis ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na marami ang nabigyan ng pag-asa kahit na hindi marunong magbisikleta.

Sa isang Facebook post ng Forward Motion Performance, makikita ang isang lalaki na may gamit na bisikletang may dalawang gulong pa sa likod bilang suporta. Ito ang kailangan ng mga gustong matuto mag-bike, lalo na sa mga bata.

Dahil sa community quarantine na ipinatupad sa Metro Manila at iba pang mga probinsya, hindi pa rin pwede ang ilang mass transportation kaya pahirapan pa rin pumunta sa trabaho o lumabas para mamili ng kailangan.

Kaya naman nang makita ng mga netizens ang litrato ng lalaki ay nabuhayan sila ng loob dahil kahit may edad na ay hindi pa rin sila marunong magbisikleta pero kailangan dahil sa panahon ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens kay manong dahil sa kanyang diskarte ngayong may pandemya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“I salute you kuya. Ur not afraid of change and is willing to learn, if ever ur in need of work. Im here for you. Good luck to you and Godbless”
“I’m turning 30 and don’t know how to ride a bike yet. You inspired me, Sir! Keep moving forward.”
“That is what you called determination, if there's a will there's a way..kudos sa yo tatay/kuya/manong! Whatever is your reason by using it, don't let other's opinion affect your goal.. God bless”
“I don't know how to ride a bike at my age but kuya is an inspiration that it's not to late to learn. Just like life it's always a learning process. Keep safe po and God bless always”
“thank you for sharing. nbuhayan ako ng loob..gusto ko rin mgbike pero ndi ako marunung. puedi din pl ung ktulad ng kay kuya... ndi nmn pl nkkahiya....”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel