ABS-CBN reporters sa Amerika, nakaranas ng diskriminasyon habang nag-uulat

ABS-CBN reporters sa Amerika, nakaranas ng diskriminasyon habang nag-uulat

- Isiniwalat ni TJ Manotoc ng ABS-CBN ang naranasan nilang diskriminasyon ng kapwa niya reporter sa Amerika na si Ginger Conejero

- Habang nag-uulat si Ginger, dumaan ang isang Amerikanong lalaki at tinawag silang "pigs" at "disease carriers"

- Hinabol nila ang lalaki upang komprontahin lalo na at kitang-kita ang pagiging racist nito

- Nangyari raw ito noong Marso kung kailan kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19 sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang mga ABS-CBN correspondent na sina Ginger Conejero at TJ Manotoc ay nakaranas umano ng diskriminasyon sa Amerika.

Nalaman ng KAMI na isang Amerikanong lalaki ang lakas loob na sinigawan ang mga reporters.

Sinabihan sila nitong "pigs" at "diseases carriers". Nasapul pa ng camera ang pangyayari lalo na at naganap ito habang nag-uulat mismo si Ginger.

Hindi nito naiwasang huminto at komprontahin ang lalaki. Sinubukan pa umano nila itong sundan lalo na at kitang-kita sa nakunan nilang video ang panghahamak sa mga Asyano.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ni Manotoc, nangyari kasi ito noong Marso kung kailangan nagsisimulang lumaganap ang COVID-19 sa mundo.

Ayon pa sa reporter, isinapubliko nila ang karanasan upang maipakita na hindi dapat basta-basta na magpatalo na panghahamak ng ganoong uri ng mga tao.

Para na rin sa kanilang kaligtasan, nagpapasama na sina Conejero at Manotoc sa lugar kung saan sila madalas mag-shoot ng kanilang pag-uulat sa San Francisco California.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica