Street sweeper na may pitong anak, masayang nakapagtapos ng kolehiyo
- Nakapagtapos ng kursong Business Administration ang isang 55-anyos na street sweeper sa Batangas City
- Proud sa kanya ang kanyang mga anak lalo na at saksi sila kung paano napagsabay ng kanilang ina ang pagtatrabaho at pag-aaral
- Grade 4 lang ang inabot niya ngunit dahil nakapasa siya sa Alternative Learning System ng Department of Education, nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-kolehiyo
- Isa rin siyang iskolar ng kanyang paaralan at maging ang supervisor niya sa trabaho ay suportado ang kanyang pag-aaral sa pagbibigay sa kanya ng oras kung saan makapapasok pa siya sa paaralan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang humanga sa 55-anyos na street sweeper na si Ofelia Mondaya na nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Business Administration sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, Batangas City.
Nalaman ng KAMI na matiyaga niyang pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang street sweeper sa loob ng apat na taon.
Dala ng kahirapan at pagiging produkto ng broken family, grade 4 lamang talaga ang inabot niya sa eskwela.
Ngunit dahil nakapasa siya sa Alternative Learning System ng Department of Education, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-kolehiyo.
Kwento pa niya sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, iskolar pa siya ng kanyang paaralan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Maging ang supervisor niya sa trabaho ay nakisama at sumuporta sa kanyang pangarap na makatapos ng kolehiyo.
Binibigyan kasi siya nito ng iskedyul na hindi makakasagabal sa oras ng kanyang klase.
Kinaya ni Nanay Ofelia na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho gayung may pitong mga anak din siyang binubuhay.
Proud na proud sa kanya ang mga ito dahil hindi man sila nakatuntong ng kolehiyo, tila tinupad na ito ng kanilang ina.
Kasalukuyan pa ring naninilbihan si Nanay Ofelia bilang street sweeper na matapang niyang kinakaharap sa kabila ng banta ng COVID-19 habang hinihintay niya ang job order ng kanilang munisipyo.
Ito ay para sa nakaabang na sa kanyang trabaho bilang isang regular na empleyado at maging ganap na lingkod bayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh