Madiskarte! Flight attendant ng PAL, naglako muna ng pares habang may krisis

Madiskarte! Flight attendant ng PAL, naglako muna ng pares habang may krisis

- Naging viral sa social media ang kwento ng isang flight attendant ng bigating airline sa bansa

- Ngayong apektado ang kanyang trabaho ng COVID-19, naghanap siya ng ibang paraan para kumita ng pera

- Kaya naman, naisip nila ng asawa niya na maglako ng pares sa lugar nila sa ngayon

- Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa diskarte ng flight attendant ngayong may krisis sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang flight attendant ng Philippine Airlines nang maapektuhan ng krisis ng coronavirus disease o COVID-19 ang kanyang trabaho.

Nalaman ng KAMI na dahil sa hirap ng buhay ngayon, naka-isip sila ng asawa niya ng ibang paraan para kumita pa rin ng pera.

Kwento niya, habang wala pang commercial flights ang mga airlines ngayon, naisip niyang maglako na lang muna ng pares.

“Ano man ang narating o estado mo sa buhay. Basta malinis ang hangarin at nasa tama, wag mong ikakahiya ang ginagawa mo para umunlad,” aniya.

“Diskarte at sakripisyo mo ang bubuhay sayo at sa Pamilya mo. Hindi opinyon ng iba. Salamat sa biyaya ng Diyos!” dagdag niya pa.

Galing daw sa misis niya ng ideya na ito. Isang oras pa lang siya naglalako ay sold out na kagad ang paninda niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kanyang kakaibang diskarte sa buhay. Narito ang mga komento nila sa post:

“Nakakabilib sir. God bless po”
“Isang oras lang boss, sold out na? Eto ang tinatawag na diskarte”
“Mabuhay ka sir!!!! Padayon!!!”
“malaki kaya kita sa ganyan.. tyagaan lang tlga ...”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nagtanggal ng 300 na empleyado ang Philippine Airlines upang hindi sila tuluyang malugi ngayong may COVID-19 crisis.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel