Nag-viral na mag-lola na binilhan ng CP ang apo, may bago na namang natanggap na biyaya

Nag-viral na mag-lola na binilhan ng CP ang apo, may bago na namang natanggap na biyaya

- Nag-viral ang larawan ng mag-lola na masayang nagbukas ng bagong cellphone para sa apo

- Mas marami ang humanga sa lola nang malamang ang pinambili pala nito ng cellphone ng apo ay mula sa pagtitinda niya ng gulay

- Pinagsumikapan niya itong bilhin upang makasabay ang apo sa pagbubukas ng klase sa Agosto lalo na at online ang isa sa mga pamamaraan ng pag-aaral nila

- Dahil dito, may ilan na nagpaabot pa ng tulong sa maglola para na rin sa pag-aaral ng kanyang apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang larawan ni Lola Emma Monta at ng kanyang apo na kanyang binilhan ng bagong cellphone.

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, inakala pa ng uploader na si Mico Tan na mag-ina ang dalawa. Namangha lamang siya sa kasiyahang namumutawi sa mukha ng mag-lola habang binubuksan ang bagong cellphone pa ra sa apo.

Nang bisitahin ni Mico ang mag-lola, mas lalo pa siyang humanga sa mga ito nang malamang sa ₱20- ₱50 na naiipon mula sa pagtitinda ng gulay kada araw galing ang pambili ng cellphone.

Dahil dito, marami ang naantig sa kwento ng mag-lola at nagpaabot ng tulong sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa na rito ang ABS-CBN News kung saan binigyan nila ng pocket wifi ang bata ang pang-load para kumpleto na ang kanyang gagamitin sa pagbubukas ng pasukan sa Agosto.

Isa kasi sa pamamaraang inihain ng Department of Education ang online learning kaya naman magagamit ng apo ang biniling cellphone ng kanyang lola.

Laking pasasalamat din ng mag-lola sa ibinigay ng Kapamilya Network sa pamamagitan ni Gretchen Ho na wifi at pang-load upang maipagpatuloy pa rin ng apo ang kanyang pag-aaral at maisakatuparan ang pangarap niyang maging piloto balang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 24 ang itinakdang araw ng pagbubukas ng klase ng Kagawaran ng Edukasyon para sa panuruang taon 2020-2021.

Naghain sila ng iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto at pag-aaral at sinisiguro nilang hindi muna papasukin ang mga mag-aaral sa paaralan hangga't wala pang lunas na natutuklasan para sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel