NCRPO Chief Debold Sinas, agad sinibak ang mga pulis na lumabag sa community quarantine

NCRPO Chief Debold Sinas, agad sinibak ang mga pulis na lumabag sa community quarantine

- Nagpasya na si NCRPO Chief Debold Sinas na sibakin sa pwesto at ilipat ang mga pulis na lumabag sa community quarantine protocols

- Naging kontrobersyal ang paglabag umano ni San Juan Mayor Francis Zamora at kanyang mga police escort sa health protocols sa Baguio City

- Giit ni Sinas, tutol siya sa mga pulis na lumalabag sa mga protocols ngayong may banta ng COVID-19

- Dagdag niya pa, dapat daw ay sinusunod at nirerespeto ang mga batas sa anumang lugar sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng desisyon si National Capital Region Chief Maj. Gen. Debold Sinas ukol sa mga pulis na escort ni San Juan City Mayor Francis Zamora na linabag umano ang community quarantine protocols sa Baguio City.

Nalaman ng KAMI na nagpasya ang NCRPO chief na sibakin na ang limang pulis sa pwesto at ilipat na lang sila.

Ayon sa ulat ng Inquirer (ulat ni Catherine Gonzales), lumabag umano sina Zamora at ang kanyang police escort sa protocols ng Baguio. Dumire-diretso lang daw umano ang mga ito at linampasan ang mandatory na health examination.

“I will not condone any wrongdoing of our police officers in the implementation of the community quarantine protocols, if held responsible,” giit ni Sinas.

“We, as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines. The safety of the people remains our top priority in these trying times,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ibinahagi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ulat ng Manila Bulletin, kinailangan pa nilang magpadala ng medical staff sa Baguio Country Club upang masunod lang ang health protocols na mahigpit nilang ipinapatupad upang hindi kumalat ang COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag sibakin si NCRPO Chief Debold Sinas matapos maging kontrobersiyal ng kanyang birthday celebration na linabag umano ang community quarantine protocols.

Umani ng kritisismo ang selebrasyon na ito dahil sa pag labag umano ng ipinagbabawal na mass gathering at paglabag sa social distancing.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel