Guro, nilantad ang maanghang na text messages ng di nagpakilalang magulang

Guro, nilantad ang maanghang na text messages ng di nagpakilalang magulang

- Viral ang post ng isang guro na matapang na nilantad ang mga text messages ng di nagpakilalang magulang

- Tila kinikwestyon nito ang mga guro sa pampublikong paaralan na patuloy na sasahod gayung hindi pa opisyal na nagbubukas ang panuruang taon

- Nalaman din umano ng guro na magiging bahagi sila ng pagtuturo ng kanilang mga anak na hindi muna papasok sa paaralan

- Dahil dito, tila hiniling pa ng magulang na sila na lamang ang pasahurin ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na at karamihan pa rin daw sa kanila ay walang trabaho at "no work, no pay"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na naging usap-usapan ang post ng isang guro tungkol sa di umano'y text ng isang di nagpakilalang magulang sa kanya.

Binahagi ni Karina Matias Pineda, isang guro sa pampublikong paaralan ang maaanghang na mensahe sa kanya ng magulang na kinikwestyon ang patuloy na pagsahod ng mga public school teachers kahit di pa pormal na nagbubukas ang panuruang taon 2020-2021.

Nabalitaan din umano ng magulang na sila ay magiging bahagi ng pagtuturo sa kanilang mga anak haangga't di pa ito maaring pumasok sa paaralan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, hiniling ng magulang na kung maari, sila na lamang ang pasahuring ng Kagawaran ng Edukasyon at hindi ang mga gurong sinasabi niyang nasa bahay lamang.

Lalo na at ang karamihan sa kanila ay wala pa umanong trabaho at "No work, no pay" kaya pinalalabas umano nitong hindi patas ang nangyayari.

Maayos namang sinagot ng guro ang magulang ngunit patuloy pa rin daw umano ang tila pag-iinsulto di umano nito sa kanya.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 24 ang itinakdang araw ng Department of Education ng pagbubukas ng school year 2020-2021.

Ngunit nilinaw ng kagawaran na walang estudyanteng papasok sa paaralan sa panahong iyon at naglabas na lamang sila ng iba't ibang pamamaraan kung paano maipagpapatuloy ang pag-aaral kahit nasa bahay lamang ang mga mag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica