Thesis ng nobyo tungkol sa love story nila ng GF, nagpakilig sa netizens

Thesis ng nobyo tungkol sa love story nila ng GF, nagpakilig sa netizens

- Kakaiba ang naisip na monthsary gift ng isang lalaki para sa kanyang minamahal na nobya para sa kanilang monthsary

- Isang thesis tungkol sa pagmamahal niya sa GF ang naisipang ibigay ng lalaki

- Mabilis itong nag-viral dahil sa kakaibang konsepto ng regalo ng BF na nagpakilig sa maraming netizens

- "Napa-sana all" na lamang ang mga ito dahil sa effort na ginawa ng BF para sa kanyang minamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena online ang kakaibang regalo ng nobyo sa kanyang girlfriend para sa kanilang 9th monthsary.

Hindi rosas o tsokolate ang kanyang surpresa kundi ang pinaghirapang thesis ng nobyo na si Nicholai Silva.

Ayon kay Nicholai, na-miss na niya ang paggawa ng thesis kaya naman gumawa siya ng patungkol sa pagmamahal niya sa nobyang si Ysabelle.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Natuwa ang maraming netizens sa kakaibang konsepto na ito ni Nicholai upang maipadama ang pagmamahal niya sa nobya.

Karamihan sa kanila ay nakapagsabi ng "sana all" dahil todo effort daw ang lalaki para lamang mapakilig ang nobya sa espesyal na araw nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Yan siguro Yung thesis na di masakit sa ulo gawin"
"Ay super kilig naman ito, i-cherish mo talaga ito forever"
"Kaswerte naman ng girl, pinaghirapan ng BF niya yan hindi yung basta flowers or gift lang"
"Ang cute naman nito, mas kikiligin ako ng sobra pag ganito regalo sakin ng jowa ko"
"Wow, thesis talaga! ang sweet... kakaiba!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel