Food rider, nag-viral dahil sa matinding sakripisyo niya para sa pagkain ng customer

Food rider, nag-viral dahil sa matinding sakripisyo niya para sa pagkain ng customer

- Tampok sa social media ngayon ang isang food delivery rider dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho

- Kwento ng customer, matapos nilang um-order ay biglang lumakas ang ulan kaya na-cancel na ito

- Pero nagulat siya dahil biglang dumating ang isang rider na sinuong ang baha at malakas na ulan

- Maging ang mga netizens ay napabilib sa sakripisyo at serbisyo ng rider para sa customer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang rider ng sikat na food delivery app ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ngayon sa social media.

Nalaman ng KAMI na kahit malakas ang ulan at may baha, hindi naging hadlang ito para sa rider.

Kwento ng customer na si Carlo Puri sa Facebook, maaga sila nag-order sa FoodPanda pero biglang lumakas ang ulat at na-cancel ito.

Subalit, bigla umano may nag-doorbell sa bahay nila. Laking gulat ng customer dahil pagkita niya sa labas ng bahay nila, baha na at dumating ang isang rider ng FoodPanda.

“Baha na pala ng di namin namalayan at dun naglakad si Kuyang @foodpanda at naka-tsinelas na! Na-stress talaga ako sa nakita ko,” aniya.

“Grabe tong si Kuya.. para lang ma-deliver ang pagkaing in-order namin, sinuong ang baha para sa amin,” dagdag niya pa.

Sabi ni Carlo, sobrang napahanga siya sa serbisyo at dedikasyon sa trabaho ng rider. Walang reklamo ito at naka-ngiti pang ibinigay ang order nila.

“Sobra ako napahanga kay kuya. Walang reklamo at nakangiti pang inabot sa amin ang order namin habang naka-full gear kapote, helmet, at syempre peysmask,” giit nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig sa sakripisyo ng rider para sa customer. Narito ang mga komento nila sa post:

“Awwww thats amazing! at ang galing, walang tanong tanong ng directions sa bahay i’d be super amazed din! hopefully magkita uli kayo hihi”
“wow sipag! dedicated and talagang nasa puso nya ang trabaho nya. quality service.”
“i salute to all grab food and food panda and sa iba png delivery man woman jan saludo kmi sa inyu thnk u”
“Salute sa mga food delivery guys like them , kahit na minsan pinagtitripan sila at pinaprank eh , tuloy pa din ung serbisyo nila. So proud sa mga kagaya nyo.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)