Gurong nagbanta sa buhay ng Pangulo kapalit ang ₱50 million, outstanding teacher ng Zambales
- Arestado na ang guro na lakas loob na nag-post patungkol sa pagpapapatay kay Pangulong Duterte kapalit ang ₱50 million
- Kasalukuyan na itong nasa National Bureau of Investigation at sasailalim ito sa inquest proceedings
- Humingi na ng tawad ang guro sa pangulo ngunit at inaming kaya lamang ito nagawa ay dahil nais lamang niyang umagaw ng atensyon
- Nagulat din ang ilang netizens na napag-alamang isa palang Outstanding teacher ng Zambales ang kontrobersyal na gurong ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Gumawa ng ingay sa Twitter ang guro na si Ronnel Mas kung saan nag-alok siya ng ₱50 million sa sino raw ang makakapaslang kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa ulat ng GMA News, inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 25-anyos na guro.
Mula Dagupan, dinala ito sa NBI Manila upang sumailalim sa inquest proceedings.
Makailang video na ang kumalat kung saan makikitang humihingi na ng tawad si Mas kay Pangulong Duterte tulad na lamang ng binahagi ng ABS-CBN News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit ni Mas na kaya lamang niya ito nagawa ay upang makaagaw ng atensyon at para dumami ang kanyang followers sa Twitter.
Nilinaw din niyang wala umano siyang intensyong ipahamak ang pangulo gaya ng tahasan niyang nai-tweet na ikinagulat ng marami.
Samantala, mas lalong nagulat ang ilang netizens nang mapag-alamang isa pa lang Outstanding Teacher ng Zambales si Mas.
Binahagi ng netizen na si Jhacky B. Agra/ @JhackyAgra sa kanyang Twitter ang screenshot mula sa Facebook page kung saan di umano nagtuturo ang guro.
Setyembre nang nakaraang taon di umano napangaralan si Mas bilang isa sa pinakamahusay na guro ng kanilang lugar.
25-anyos lamang si Mas o mas kilala bilang RonPrince sa Twitter. Public High School teacher siya na nagtuturo ng Araling Panlipunan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kanyang kaso at nilinaw mismo ng Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi sapat ang sorry ng guro sa isang seryosong paratang na nagawa pa niya sa pangulo ng bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?
Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh