Mayor Vico Sotto, may parinig sa mga ‘plastic sa gobyerno’ ngayon

Mayor Vico Sotto, may parinig sa mga ‘plastic sa gobyerno’ ngayon

- Muling naging viral sa social media si Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa kanyang sinabi

- Aniya, kailangan daw ng lokal na pamahalaan ng plastic para sa ginagawa nilang Centralized Quarantine Facility

- Sa kanyang post, nagbiro rin siya na marami raw ang “plastic” sa gobyerno ngayon

- Sa ngayon ay nasa Phase 1 na umano sila ng kanilang quarantine facility sa Pasig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral ang isang social media post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang magparinig sa mga “plastic.”

Nalaman ng KAMI na para kay Mayor Sotto, marami raw ang “plastic sa gobyerno.”

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Mayor Sotto na kailangan daw nila ng plastic para sa room dividers na ginagawa para sa kanilang Centralized Quarantine Facility.

“Phase1 of our new Centralized Quarantine Facility is near ready. Problema lang, wala kaming mahanap na PLASTIC para sa room dividers,” aniya.

“Opo maraming plastic sa gobyerno pero hindi yun yung plastic na hinahanap sa ngayon haha,” pabiro niyang sinabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na naging viral sa social media si Mayor Sotto noong nakaraan dahil sa kanyang naging reaksyon sa netizen na hindi nakikinig sa kanya habang nasa Facebook live.

Si Mayor Vico Sotto ang anak ng GMA host na si Vic Sotto at ang beteranang aktres na si Coney Reyes. Kamakailan, marami ang mga pumupuri kay Sotto dahil sa kanyang pagresponde sa krisis ng COVID-19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel