Babaeng nagrereklamo tungkol sa sistema ng SAP ng DSWD, viral sa social media

Babaeng nagrereklamo tungkol sa sistema ng SAP ng DSWD, viral sa social media

- Hindi mapigilang manggalaiti ng isang babae habang inilalabas niya ang saloobin hinggil sa sistema ng pamimigay ng SAP ng DSWD

- Viral sa social media ang video kung saan makikitang galit na galit ang nasabing babae habang nakatayo sa harap ng isang tindahan

- Masama ang loob niya dahil sa hindi nabigyan ng ayuda ang mga tunay na naghihirap at sana daw ay nagbahay-bahay ang taga-DSWD

- Nabanggit pa nito na kahit ang ibang miyembro na ng 4Ps ay nabigyan pa ng ayuda mula sa SAP

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanggagalaiti sa galit ang isang babaeng hindi napasama sa mga nabigyan ng ayuda mula sa SAP ng DSWD. Habang nakatayo sa harapan ng isang tindahan, naglabas ng sama ng loob si Nanay.

Aniya sana ay nagbahay-bahay ang mga taga-DSWD para makita kung sino talaga ang mga tunay na mahihirap at nang mabigyan ng tulong.

Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa netizens ang reaksiyon na ito ng ale na makikita sa video na ibinahagi ng netizen na si Alvin Nifled sa kanyang Facebook account.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ipinag-utos ng pamahalaan ang paglilista sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong sa gitna ng enhanced community quarantine kung saan marami sa kabuhayan ang apektado.

Isa sa mga ahensyang naatasan sa pagbibigay ng ayuda ay ang DSWD. Ngunit hindi ganoon kadali ang mabigyan ng ayuda sapagkat may panuntunan ang sangay na ito ng gobyerno sa pagbibigay ng ayuda; bagay na inaalmahan ng karamihan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Tama nsman si nanay. Sa itsura plang niya alam mong hirap sa buhay sya. At subrang need niya yong tulong na yon.
Ayan. Cge ate pagalitan MO di nag si bahay bahay Para makita Nila ang karapa-dapat bigyan
Tama nman sinasabi ni Ate magbahay-bahay kayo mga sangay ng gobyerno nang makita ninyo ang sitwasyon ng mga taong dapat bigyan. May iba kasi mga umuupa di nabibigyan ng ayuda napupunta sa may ari lang ng bahay.

Ang Special Amelioration Program (SAP) ay isang programa ng pamahalaan upang mabigyan ng tulong ang mga pamilyang pinaka apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel