Chat ng nawawalang Pinoy seaman, ibinahagi ng kanyang kaibigan

Chat ng nawawalang Pinoy seaman, ibinahagi ng kanyang kaibigan

- Ibinahagi ng isa sa mga kaibigan ng nawawalang Pilipinong seaman na si Cristito Acosta ang ilang chat messages nila

- Sa nasabing chat mesaages, makikita kung paanong pinalalakas ni Cristito ang loob ng kaibigan at kasamahan sa trabaho

- Inilarawan din ito ng katrabaho bilang mabait at marespeto kung kaya hindi aakalain na magkakaroon ito ng kaaway o kagalit

- Samantala, patuloy naman na nawawagan ang pamilya ni Cristito para mahanap ang binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy na naghihintay ang pamilya at mga kaibigan ng nawawalang Pilipinong seaman na si Cristito Acosta sa ulat ukol sa pagkawala nito.

Una nang naiulat ng KAMI nang manawagan ang pamilya ni Cristito matapos mabalitaan na nawawala ito habang lulan ng barkong Jiaolong Spirit kung saan ito nag-ta-trabaho.

Isa sa mga kaibigan nito na si Lawrence Briones ang nagbahagi kung paanong pinalakas ni Cristito ang kanyang loob upang labanan ang pangamba sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng chat messages.

Sabi pa ng ni Cristito rito: "Life on ship is very unpredictable".

Hindi rin nito nakalimutang batiin si Lawrence dahil umabot ito sa anim na buwan sa barko noong mga panahong iyon.

Dagdag pa nito, hindi raw dapat na matakot dahil ang importante ay ang matuto.

Sa Facebook post ng The Seamanship, inilarawan ito ng mga kasamahan bilang mabait at marespeto kung kaya hindi iisipin na mayroon itong kaaway o kagalit.

Samantala, ayon sa report ng ABS-CBN News, lumapit na sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng Region 1 ang kaanak ni Cristito at nangako naman ang ahensiya na tutulungan sila.

Nakatakda raw na imbestigahan ang pagkawala ni Cristito sa Mayo 16 kapag nakadaong na ang barko ngunit hiling ng pamilya na muling ipahanap ng manning agency nito ang binata sa barko.

Wala pa ring pahayag ang manning agency nito batay sa ulat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel