Misis, nanggigil nang mabuking ang larawan ni mister at kabit sa motel

Misis, nanggigil nang mabuking ang larawan ni mister at kabit sa motel

- Desidido na ang ginang na si Mary Rose na makipaghiwalay sa kanyang mister matapos madiskubre na patuloy pa rin daw ang relasyon nito sa ibang babae

- Tila naging mitsa nito ang larawang nakita sa cellphone ni mister kung saan magkasama ang dalawa sa isang motel

- Dahil dito, tuluyan na raw makikipaghiwalay si misis sa kanyang asawa sa kabila ng paliwanag nito

- Bukod dito, nais din nitong kasuhan ang dalawa dahil sa panloloko sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila muling nagliyab ang galit sa puso ng ginang na si Mary Rose Duyag nang malamang patuloy pa diumano ang relasyon ng kanyang mister at ng kabit nito.

Sa pamamagitan ng online interview ni Raffy Tulfo rito, isiniwalat ni misis ang kanyang hinaing laban kay mister at kabit.

Naging mitsa nito ang larawang nakita ni Mary Rose sa cellphone ni mister na si Mhann Duyag kung saan makikita ang huli kasama ang kabit sa loob ng isang motel.

Pero giit ni mister at ng babae sa larawan na si Jennelyn Monero, matagal nang tapos ang kanilang relasyon.

Bagamat inamin ng dalawa na sila nga ang nasa larawan, sinabi ng mga ito na noong isang taon pa nangyari ang nasa larawan.

Ayon kay mister, nagpa-tattoo lang sa kanya si Jennelyn sa loob ng motel.

Ngunit giit ni Mary Rose, kabisado niya ang mga larawan sa cellphone ng asawa at ang sinasabing larawan ng dalawa ay nito lamang March niya nakita.

Kumbinsido rin si misis na patuloy pa rin ang relasyon nito. Katunayan ay nahuli pa diumano niya si mister na ka-chat pa rin si Jennelyn kahit na naka-lockdown.

At sa kabila ng paliwanag ni mister at ng itinuturong karelasyon pa rin nito na si Jennelyn, hindi na nagpatinag pa si misis.

Nais na raw nitong tuluyang makipaghiwalay sa asawa at kakasuhan din ang dalawa dahil sa panloloko nito sa kanya.

Ayon naman sa abogadong nakausap ni Raffy Tulfo, malakas na ebidensiya ang larawan ni mister at ni kabit laban sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel