Ayon sa DepEd: TV at radyo, maaring gamitin sa pagkuha ng lessons para sa SY 2020-2021
- Isa sa nakikitang pamamaraan ng Department of Education upang hindi tuluyang maantala ang klase ng mga estudyante ay ang pagkakaroon ng lessons gamit ang telebisyon at radyo
- Bukod sa internet, ang TV at radyo raw ang maaring gamitin lalo na sa mga lugar na imposible pa ring magklase sa mga classroom pagdating ng Hunyo
- Mag-aanunsyo na sa loob ng linggong ito ang DepEd patungkol sa kung kailan magbubukas ang klase
- Nilinaw din ng kagawaran na nagbigay na sila ng pamamaraan sa kung paano makukuha ang pinal na grado ng mga mag-aaral para naman sa panuruang taong 2019-2020
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nag-anunsyo ang Kagarawan ng Edukasyon na malaki ang posibilidad na magamit ang mga telebisyon at radyo upang makakuha ng aralin o lessons ang mga estudyante sa papasok na school year 2020-2021.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Department of Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang pagbubukas ng panuruang taong 2020-2021 ay hindi nangangahulugang papasok sa mismong paaralan ang mga bata lalo na ang mga nasa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon kung saan mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Dahil dito, nakikita ang telebisyon at radyo bilang na maari ring makuhanan ng mga aralin mga estudyante bukod sa internet. Ang mga ito ay pawang magagamit kahit sila ay nasa bahay lamang.
Samantala, maaring bukas sa Press Briefing ng "Laging Handa" o sa loob ng linggo na ito mag-aanunsyo na si DepEd Secretary Leonor Briones kung kailan ang opisyal na pagbubukas muli ng klase para sa darating na panuruang taon.
Ihahain din nila ang resulta ng kanilang isinagawang survey sa Inter-Agency Task Force patungkol sa iba pang mga pamamaraang maaring mangyari sa pagbubukas ng klase.
Bukod dito, nilinaw din ni Usec. Malaluan na nagbigay na sila ng mga panuntunan sa mga guro sa kung paano nila makukuha ang pinal na marka ng mag-aaral kaya naman masasabing natapos na ang school year 2019-2020.
May ilang mga magulang naman ang umapela lalo na ng mga graduating classes sana ngayong taon. Kaya naman pinag-aaralan pa rin ng Department of Education ang pagsasagawa ng e-graduation dahil labis na mapanganib pa rin ang face-to-face na commencement exercises lalo na sa Luzon na nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine hanggang Abril 30.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.
Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh