Mag-ingat! Pagpapahid ng laway ng isang babae sa mga gate, sapul sa CCTV
- Kitang-kita sa CCTV ang di umano'y pamamahid ng laway ng isang babae sa mga gate ng nadaraanan niyang bahay sa Makati
- Nabahala ang residente dahil baka may sakit umano ang babae
- Nag-aalala sila na baka may COVID-19 di umano ito o isa nang patient under investigation at nagagawa pa nitong magkalat ng kanyang laway
- Panawagan ng mga residente na sana'y makilala ang babaeng ito upang mabigyan ng aksyon ang kanyang ginagawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sapul sa CCTV ang di umano'y pamamahid ng isang di pa nakikilalang babae ng kanyang laway sa nadaraanang bahay sa isang kalye sa Makati.
Ayon sa netizen na si Mervin Madrid, nakunan umano ng CCTV ang gawain na ito ng babae sa Aster St. Barangay Pembo Makati.
Pangamba nila, baka raw may sakit ang babae at ang malala, baka raw isa itong patient under investigation.
Ang kinakatakot pa lalo nila, maaring may COVID-19 nga ito at ang masama ay nagkakalat pa ito para mahawa ang iba.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Di lamang bahay nina Mervin ang ginawan ng pamamahid ng babae. Mapapansing ginawa rin niya ito sa katapat na bahay kung saan humawak muna sa gate bago pahiran ng kanyang laway.
Labis nga namang nakaaalarma ang ginawa na ito ng babae. Kaya binahagi ni Mervin ang video upang makilala ang babae at mabigyan ng aksyon ang ginagawa nito.
Magsilbing babala ito sa publiko dahil kung mapapansin, tila may suot pang quarantine pass ang babae kaya naman nakakalabas pa ito ng bahay.
Ugaliing mag-disinfect ng ating mga bahay dahil hindi natin alam ang maaring ginagawa na ng ibang tao sa labas ng ating tahanan.
Narito ang kabuuan ng video:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.
Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh