Mga sundalo, mag-aambag mula sa kanilang sahod upang makatulong laban sa COVID-19

Mga sundalo, mag-aambag mula sa kanilang sahod upang makatulong laban sa COVID-19

- Ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines ay mag-aambagan upang makadagdag sa pondo kontra COVID-19

- Ang kanilang donasyon ay manggagaling sa kanilang sahod at ito ay base sa kanilang ranggo

- Tinatayang aabot ng ₱16.9 million ang kanilang malilikom na pera at gagamitin umano ito para makabili ng medical supplies

- Kamakailan, inanunsyo ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay magbibigay din ng kanyang isang buwang sahod upang makadagdag sa pondo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines ay mag-aambag upang makatulong sa paglaban kontra coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na magbibigay ng tulong pinansyal ang mga sundalo mula sa kanilang mga sahod.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nation address nitong Lunes na magkukulang ang pondo para makatulong ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa ay nagpasya silang maglikom ng pera upang makatulong.

“The AFP (Armed Forces of the Philippines) leadership heard the Commander-in-Chief’s candid admission in a televised address to the nation that government will not have sufficient funds to deal completely with the massive impacts of COVID-19,” sabi ni Arevalo.

Ang perang maiipon nila ay gagamitin umano upang makabili ng karagdagang medical supplies at equipment para sa mga ospital.

Dagdag pa ni Arevalo, ang magiging donasyon ng bawat miyembro ay base sa kanilang sahod ang ranggo.

“Since their salaries for the month of April are already out for payment, the donation—deductible from their Base Pays for the month of May— will be available by the 3rd week of April,” aniya.

Si AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. ay magbibigay umano ng ₱10,484 at ang mga sundalo namang nasa mababang ranggo ay magbibigay ng ₱100. Inaasahang aabot ng ₱16.9 million ang perang maiipon ng AFP.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naiulat ng KAMI na si Pangulong Rodrigo Duterte ay magbibigay ng kanyang isang buwang sahod upang makadagdag sa pondo laban COVID-19.

Kasalukuyang nasa 3,660 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Inanunsyo na rin ng gobyerno na in-extend ang enhanced community quarantine sa buong Luzon hanggang sa April 30, 2020.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)