Salamat! Mga bumbero sa Quezon, nagbigay pugay sa mga frontliners

Salamat! Mga bumbero sa Quezon, nagbigay pugay sa mga frontliners

- Nag-alay ng isang awitin ang ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection ng lalawigan ng Quezon para sa mga frontliners ng bansa

- Ginawa nila ito bilang pasasalamat sa hirap at sakripisyo na ibinubuhos lalo na ng mga health workers laban sa COVID-19

- Sa pamamagitan daw ng kanilang awitin ay maipararamdam nila ang suporta ng BFP sa mga bayaning frontliners sa panahong ito

- Tulad nila, may ilang mga grupo na rin naghandog ng kani-kanilang paraan ng pagsuporta at pasasalamat sa mga magigiting na health workers ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pugay ang ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection ng lalawigan ng Quezon sa mga frontliners ng bansa laban sa COVID-19.

Binahagi ng Banahaw band ang cover nila ng kantang "Salamat" ng The Dawn upang maiparamdam ang suporta partikular na sa mga health workers.

"We, Banahaw band, would like to express our sincerest gratitude to all those who are battling in the frontlines by making this video to somehow uplift everyone's morale and spirit.Maraming salamat mga katropa!" ang caption ng kanilang post.

Ito raw ang paraan ng BFP Quezon upang maipadama sa mga frontliners ang kanilang pasasalamat sa hirap at sakripisyo ng mga ito lalo na sa araw-araw nilang pagbubuwis ng buhay para lamang kalingain ang mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa huling datos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ngayong Abril 5, 11 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbigay pugay din ang mga miyembro ng BFP Pasig City sa mga health workers ng Rizal Medical Center.

Lulan ng kanilang mga firetrucks, pinatunog nila ang mga sirena nito habang pinapalakpakan ang mga frontliners ng naturang ospital.

Malaking bagay na ang mga ganitong pamamaraan ng pagpapakita ng suporta sa ating mga frontliners na nagsisilbing bayani ng laban natin kontra COVID-19.

Huwag na sana silang makaranas pa ng diskriminasyon, bagkus atin silang pasalamatan at pahalagahan sa bawat araw na sinusuong nila para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting Covid-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel