Nobya ng 1 sa nasawing doktor dahil sa COVID-19, inalala ang nobyo

Nobya ng 1 sa nasawing doktor dahil sa COVID-19, inalala ang nobyo

- Inalala ng nobya ng isa sa mga nasawing doktor dahil sa COVID-19 ang pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya

- Sa isang online interview ng GMA News, maluha-luha ang dalaga na nagbigay pa ng mensahe para sa nasawing nobyo

- Sa gitna ng pangungulila, nagpapasalamat pa rin daw ang nobya ng batang cardiologist na si Dr. Israel Bactol, sa dalawang taong pinaramdam nito ang pag-ibig sa kanya

- Binigyang-pugay din ng kasamahan nito ang nasawing doktor na inilarawan bilang napakabait na doktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Inalala ng nobya ng isa sa mga nasawing doktor dahil sa COVID-19 ang pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya.

Isa si Dr. Israel Bactol, isang cardiologist, sa mga nasawi sa gitna ng laban kontra sa pandemic na coronavirus 2019, ayon sa ulat ng GMA News.

Sa isang online interview ng GMA News, maluha-luha ang nobya nito na si Lerma Bhelle Iglesia na nagbigay pa ng mensahe para kay Dr. Bactol.

Sa gitna ng pangungulila, nagpapasalamat pa rin daw si Iglesia sa dalawang taong pinaramdam nito ang pag-ibig sa kanya.

"Kahit na maiksi lang ‘yung time na binigay ni Lord sa atin para magkasama, sa two years na ‘yun, sobrang nakilala kita, sobrang naramdaman ko ‘yung love mo.

"I know na masaya ka na diyan sa heaven. Proud na proud kami sa ‘yo, El! Mahal na mahal ka namin!" anito.

Binigyang-pugay din ng isa sa mga kasamahan nito ang nasawing doktor na inilarawan nito bilang napakabait na doktor.

"Si Doc Israel, isa siya sa pinakamabait na doctor o resident doctor sa Premier. And makikitaan mo talaga siya ng humility sa kanyang trabaho. You will be missed, Doc!" ayon kay Gelmark Olivares sa pamamagitan din ng isang online interview ni Jessica Soho.

Sa isa pang report ng , isa pang frontliner at kilalang cardiologist na si Dr. Raul Diaz Jara ang pumanaw din dahil sa coronavirus.

Sa kasalukuyan ay umakyat na sa 501 ang naitalang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa huling update ng Department of Health.

Dahil exposed ang ating mga frontliners sa mga pasyenteng may virus, may ilan sa kanila ay nagpositibo na rito o pumanaw na.

Mula sa KAMI, saludo kami sa lahat ng ating frontliners na isinakripisyo na rin ang kanilang buhay at oras para mailigtas ang nakararami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone