Huli-cam! Cashier sa fastfood, umalma sa pamamato ng 1 customer

Huli-cam! Cashier sa fastfood, umalma sa pamamato ng 1 customer

- Sa social media na lang nakapaglabas ng sama ng loob ang isang cashier sa isang fastfood matapos siyang batuhin ng isang customer

- Sa kuha ng CCTV, huli-cam ang pamamato ng babaeng customer sa kahera

- Ayon sa kahera, bukod sa pamamato ay nakatanggap din umano siya ng masasakit na salita mula sa customer

- Maraming netizens ang umalma sa ginawang ito ng customer at 'tinag' pa ang programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa social media na lamang nakapaglabas ng sama ng loob ang isang cashier sa isang fastfood matapos siyang mabato ng isa nilang customer.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Mayeh Arbois Maralang, lumapit umano sa kanya ang babaeng customer upang papalitan ang "basang" paperbag.

Ngunit hindi nito inaasahan ang mga sumunod na pangyayari nang magsimula na raw magsalita ang babae laban sa kanila.

Nilinaw naman ni Maralang na maayos ang kanyang naging sagot sa customer.

Pero laking-gulat nito nang ibato sa kanya ng babae ang hawak nitong paperbag na naglalaman ng order nito.

Sa kuha ng CCTV na kasama sa FB post ng cashier, huli-cam ang buong pangyayari.

Matapos siyang batuhin ng customer ay agad na umalis ang cashier upang hindi na raw lumaki pa ang gulo.

Samantala, inasikaso pa rin ng isa sa mga naroon ang babae na basta na lamang umalis.

Maraming netizens ang hindi natuwa rito at nakisimpatya sa kahera.

Samantala, maraming netizens din ang nag-tag sa FB page ng Raffy Tulfo in Action.

Hindi ito ang unang beses na may naiulat na pananakit ng mga customers sa ilang manggagawa. Ilang istorya na rin ang kumalat at nabalita sa social media.

Ilang buwan lang ang nakakaraan nang mag-viral ang pamamato ng isang babaeng customer sa isang saleslady sa Cebu, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel